***
(Onyx)
I streched my arms as the sunrays touched my whole being. The clock's yelling that I should get up at ipagluto si Chans. Past 7:00 am na pero tulog na tulog pa rin sya, not like the usual na 5 am pa lang eh nag jo-jogging na sya. Maybe because nag bonfire pa kami kagabi kahit late na. Nagkwentuhan, nagtawanan and atleast naenjoy naman daw nya ang company ko.
Nag ayos lang ako at nagdiretso na sa main hall ng resort. Sabi kase ni Chans I can do whatever I like dahil sagot naman daw ni Clide lahat ng gastos. I haven't met him yet pero parang mabait naman sya. He wouldn't treat us kung hindi.
Ipinaalam ko lang sa namamahala that I'll cook for Chans at agad naman akong pinayagan. Hinayaan nila akong gamitin ang halos kalahati ng kitchen together with their cheffs. Wala pang halos isang oras tapos na ako. Humiram na rin ako ng tray at doon inilagay ang special breakfast ni Chans. Fried rice, tapa and egg, yeah a tapsilog with a fresh orange juice.
Agad akong nagtungo papunta sa small villa namin. Pagdating ko tulog pa rin sya. Inilapag ko muna ang tray sa bedside table at umupo sa gilid ng kama. Hr's peacefully sleeping pero nakaguhit pa rin sa noo nya ang mga linyang tumutukoy na sya nga si Chans.
Sinimulan kong pukawin sya sa pamamagitan ng pagyugyog sa balikat nya. Ilang sandali lang mas nangunot pa ang noo nya, hudyat na gising na sya. When he opened his eyes agad ko naman syang nginitian. I want to be like this-- yung araw araw, sa bawat paggising nya, ngiti ko muna dapat ang una niyang makita.
"Good Morning sleepy head." Matamis na bati ko sa kanya at saka inabot ang tray na dala ko kani kanina lang.
"Surprise!" I exclaimed with glee nang matanggal ko ang takip noon. Rinig ko agad ang mahinang pag harumintado ng tiyan nya na syang nakapagpatawa sa akin.
"Crazy woman." Naiiling na lang na banggit nya bago abutin at sinimulang kainin ang niluto ko. Sa bawat subo nya, hindi ko maiwasang matakam. Nakalimutan ko palang mag agahan. Maya maya na lang siguro.
"Ubusin mo yan ha. I'll just take a bath." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinagilap ang tuwalya sa may hamba, pati na rin ang mga damit ko.
Pagkasarang pagkasara ko pa lang ng pinto, nag unahan na namang pumatak ang mga luha ko. Really Onyx Amara? Ngayon pa ba? You've gone through this tapos ngayon ka pa iiyak? I wiped my tears away at pinagsawa ang katawan ko sa malamig na tubig na nagmumula sa shower. Hinayaan kong tangayin niyon ang lahat ng iniisip ko, kasama na ang panloloko ko kay Chans. I can't lose him. I'm not ready yet.
"What took you so long?" Bungad na tanong sa akin ni Chans. Tamad syang nakaupo sa dulo ng kama, at nakaligo na pala. Ganun pala ako katagal nag isip.
"Sorry." Yun na lang ang naisagot ko at kimi syang nginitian.
Inalis ko lang ang tuwalyang nakapaikot sa buhok ko at hinayaan ko iyong nakalugay. I just wore a summer dress and flats.
"Ay kalabaw!" Impit na irit ko nang maramdaman ko ang kamay na marahang humahaplos sa buhok ko.
I turn back at nakitang sinisimulan na palang suklayin ni Chans ang buhok ko. I do not know what to feel. He's wearing his poker face kaya hindi ko rin matanto kung ano ba ang iniisip nya. All I know is, my world stops sa bawat hagod nya sa buhok ko.
"I used to comb Asia's hair before." Yun lang ang namutawi sa bibig nya, sapat para masagot ang mga tanong sa isipan ko. Maybe he misses his childhood, their childhood na hindi ako sigurado kung naranasan nga ba nya na ayon sa gusto nya, o dahil wala syang choice kase bata sya.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Assassin
Fiction généraleHe wants vengeance. Gagalugarin nya ang buong mundo mahanap lang ang pumatay sa kapatid nya. He'll do anything to get even. Gamitin man nya ang babaeng mahal nya. He's a heartless, Ruthless Assassin. He is Chans Maniago.