Bullet 37

7.6K 188 8
                                    

"Maybe we'll meet again, when we we're slightly order and our minds less hectic, and I'll be right for you and you'll be right for me. But right now I am chaos to your thoughts and you are poison to my heart."

-- via (bl--ossomed)

(Chans)

I lost her. For the second fucking time, she slipped away from my hands easily. I lost her, again.

And this time, hindi ko na alam kung paano ko pa sya maibabalik, dahil sya ang kusang umalis. She gave up. She gave up on me, she gave up on us. And it fucking hurts here. Inside my chest. She stole my heart and took it away from me. She ran away with my heart inside her hand. And every second, it feels like she's squeezing it without any warning. Kasi sobrang sakit na. What happened to me? What happened to the known ruthless assassin? I swallowed my words, that easy. Because of her I'm a weakling now. All because of her.

Chans,

Itigil na natin. We are poisons to each other. Yes, I love you. Mahal na mahal kita at babaunin ko yun sa pag alis ko. But loving you caused us too much pain, so let's just stop.

Sawang sawa na ako sa sakit, sa gabi gabing bangungot at pag iyak. Kaya Chans isa lang ang hiling ko, tigilan mo na. Huwag mo na akong iligtas, tigilan mo nang mahalin ako. Sumuko na ako Chans. I'm sorry.

--Amara.

I almost memorized this letter of her. At pakiramdam ko, pinupunit ako ng bawat salita nya. Until I found myself lying on the floor, broken into million pieces. Ang bilis nyang sumuko, ni hindi man lang nya hiningi ang opinyon ko. Hindi man lang sya nakinig sa plano ko. Hindi nya ako nagawang pagkatiwalaan. She chose the easy way to solve this. Ang bilis nyang sumuko, ang dali lang para sa kanya ang iwan ako. When infact she promised that she won't ever leave me. But look at me now, I'm left here all alone.

Ang gusto ko na lamang gawin ay ang ipikit ang mga mata ko at huwag nang dumilat pa. Because every corner of this room reminds me of her. Her touch, her kisses, her sweet voice and innocent face. That night. Ibinabalik nya ako sa gabing iyon. A night of love. My sweetest dream. Pero pag gising ko, wala na sya. Parang isang panaginip lang ang lahat. She gave me too much to remember, but pain is till unbearable. Hindi ko na makontrol.

"Anak..." Hindi ko pa rin iminulat ang mga mata ko. I don't want to see my Mom's face. Ayokong makita syang umiiyak. Masasaktan lang ako. Damn! Hindi ko akalaing may mas maisasakit pa ang pag iwan nya.

"Anak, kelan ka ba babalik? Miss na miss ka na namin." Naramdaman ko ang pag upo nya sa tabi ko, at dinig ko ang mahihina nyang paghikbi. Parang mas dinudurog pa, ang durog na durog ko nang pagkatao.

Gusto ko syang sagutin. O tanungin man lang. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng masaktan? Why is it too much to bear? Unfair. Fucking unfair. Bakit kailangan kong masaktan ng ganito when all along ibinigay ko ng buong buo ang sarili ko, ang pagmamahal ko. But Mom, I never left. Don't ask me to come back dahil hindi naman ako umalis. Nagpapahinga lang ako.

Hindi ko alam kung gaano na katagal si Mom sa tabi ko. Fifteen, thirty minutes? I don't know. Ni hindi ko na alam kung anong petsa na ba. Kung isang linggo ba, isang buwan o isang taon na ang lumipas. Pakiramdam ko kasi ang tagal na. Ang tagal tagal na nang huli ko syang nakita, pero ang sakit, parang kahapon lang. Wala na akong alam sa labas, kung ano na ba ang nangyari, kung gabi ba o umaga, kung tag init ba o tag ulan. Masaya na ako sa loob ng kwarto ko. At least here, nakakasama ko kahit ang naiwang pabango nya. Baliw na ata ako.

The Ruthless AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon