***
(Onyx)
If I could
I'd protect you from the sadness in your eyes
Give you courage in a world of compromise
Yes, I would
Tatlong araw. Tatlong mahahabang araw na akong nananatili sa mansyon. Hindi ko magawang makatakas. Maraming mga armadong mga lalake ang nasa labas ng mansyon, maging sa labas ng silid na kinalalagyan ko.
And that three days are the longest days of my life. Gusto ko na lamang maglaho sa mundo, pero dahil kay Chans pinipilit kong maging matatag. Umaasa ako na pwede pa, na kahit isang araw lang ay muli ko syang makita.
Sa tatlong araw na nagdaan, hindi na ako tinigilan ni Cendo. Talagang dito sya pinatira ng magaling kong ama. And I don't understand why. Ano ba ang meron sa kanilang dalawa? Now I know that he's a foe. Pero hindi ko pa rin alam ang pakay nya.
Theasia once said that he's Knight's childhood friend, then what is he doing on my father's wall? Isa syang business man? Mabait? Tama nga ba ang pagkakakilaka ko sa kanya?
"Ma'am, pinatatawag kayo ng señor." Napatingin ako kay manang na nasa bungad ng pintuan at hinihintay ang sagot ko. I just nodded. Wala rin naman akong magagawa.
I stood up at napabuntong hininga na lang. Sarili kong mga magulang ang papatay sa akin. I am having a hunger strike, baka sa ganoong paraan matauhan sila. Baka kapag nakita nila akong nanghihina baka saka nila mapagtanto na hindi sila kailanman naging magulang sa akin.
Sa tatlong araw na nagdaan, mabilis ang naging pagbaba ng timbang ko. Malusog pa sa akin ang eyebags ko. Hindi ko na rin magawang makilala pa ang sarili ko. I pretend tough and strong sa harap ni Cendo, sa harap ng mga magulang ko. Ayokong makita nila akong nasasaktan, dahil ikasisiya lamang nila iyon. Pilit kong itinatago ang sakit na dulot ng ginawa nila. Dahil sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, ang kaawa awang itsura ni Chans ang nakikita ko, ang naging dahilan kung bakit kinailangan ko syang iwan.
Pero kung may tyansa na muli ko syang makita, I'd risk everything. Mayakap at mahagkan lang sya. Kahit pagkatapos noon ikulong na nila ako rito, o dalhin nila ako sa malayo.
Pinahid ko ang mga luha ko, pero nagulat na lamang ako nang wala akong masalat ni kahit katiting na basa sa pisngi ko. Imahinasyon ko na lang ata na umiiyak ako, dahil wala na. Said na said na sila. Hindi ko na magawang umiyak pa.
Nagdiretso ako sa opisina nya. Naabutan ko sila ni Cendo na parehong prenteng nakaupo at masayang masaya.
"Amara." Nilapitan ako ni Cendo at binigyan ng halik sa labi. Mabilis lamang iyon. Pero hindi ako gumalaw, hindi ako nagsalita. Nakatingin lamang ako sa kanya nang walang kahit anong emosyon. Wala na akong pakialam pa. Gawin nila ang lahat, tutal hindi ko naman na kayang lumaban.
Inalalayan nya ako paupo sa tabi nya. Kaharap namin ang walanghiya kong ama na tuwang tuwa sa nasasaksihan nyang paghawak ng kamay ni Cendo sa kamay ko.
"Anong kailangan nyo?" I asked. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya sa kamay ko. Binawi ko iyon. No. Mali ito. Dapat si Chans lang ang humahawak ng kamay ko. Hindi sya. Sa harapan nila, pinahid ko ang labi ko gamit ang likod ng palad ko. Nandidiri ako sa halik na ginawa nya. My lips belong to Chans.
"Amara stop it!" Napatuwid ng upo ang ama ko at galit akong tinitingnan. Hindi ako tumigil. Hindi ko sya pinakinggan.
"No! Pabayaan nyo na lang ako. I-balik nyo na lang ako kay Chans. Parang awa nyo na. Set me free." Napayuko ako. Wala akong makitang awa o guilt sa mga mata nila. Bagkos may inihagis syang kung ano sa lamesa sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Assassin
قصص عامةHe wants vengeance. Gagalugarin nya ang buong mundo mahanap lang ang pumatay sa kapatid nya. He'll do anything to get even. Gamitin man nya ang babaeng mahal nya. He's a heartless, Ruthless Assassin. He is Chans Maniago.