Bullet 3

12.8K 338 28
                                    

***

(Chans)

I followed her. I fucking did! Alam kong umiiyak sya. And for damn's sake may amnesia sya, tapos aalis sya ng ganun ganun?! The blame's on me. She has nowhere to go.

I followed her until the bridge. And yeah, I saw her with Cendo. That bastard. What is he planning to do with her? Base on rumors at sa araw araw nyang pagsigaw, he has that feelings for that Onyx. And now, he's obviously taking an advantage on her.

But the question is, bakit sya sumama?

Tss. Why do I care? She's not my luggage after all. Tinanggihan nya ang tulong ko, so I don't care at all. Gusto ko lang namang suklian ang ginawa nya, but she refused to. Eh ganun naman diba? Lahat naman napapaikot ng pera.

Bakit ko ba iniisip pa ang babaeng yun?! Tss. I must not care.

~~

(Onyx)

Nag iinat inat ako at naghikab. Grabe, ang sarap ng tulog ko. Aircon ang kwarto ng g*go kaya tinanghali na ako ng gising. Teka, sya kaya saan natulog?

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Wala sya. Nagdiresto muna ako ng banyo at naligo bago lumabas ng kwarto nya.

Amoy bacon at fried rice. Biglang nangalam ang sikmura ko. Nakapagpalit na rin ako ng damit. Kumuha ako ng maayos ayos sa maleta ko at tinupi ang mga ipinahiram nya sa akin. Ang kapal ko naman kung dadalhin ko pa yun, eh ang laki laki kaya ng mga yun.

"Good Morning." Isang matamis na ngiti ang isinalubong nya sa akin as soon as I enter his kitchen. Half naked sya at nakasuot ng apron. Tss. Hindi naman ganun kalakihan ang katawan. Unlioe Chans, sigurado akong malaki ang katawan nya. Yummy!

"Walang maganda sa umaga kapag yang pagmumukha mo ang nabungaran ko." Inismiran ko pa sya bago umupo sa isang stool at nag antay ng grasya. Aba aalis na rin naman ako pamaya maya kaya lulubusin ko na. Mahirap magpaikot ikot sa kalye kapag gutom. Balak ko pa namang maghanap ng trabaho.

"Bakit nga pala hindi ka pa naka school uniform?" Usisa nya habang inilalapag ang pagkain sa harapan ko. Sa ilang segundo, namiss ko ang dating buhay ko, pero agad din yung naglaho nang makita ko na naman ang imaheng yun. Galit ako sa kanila. Why did they did that? Wala silang konsensya. I shook my head para mawala ang iniisip ko.

"Hindi ako papasok. Maghahanap ako ng trabaho." Simpleng sagot ko. Naglagay na ako sa plato ko ng mga pagkaing inihanda nya at sinimulang kumain. Sya? Bahala sya. Basta ako gutom. Nanghihinayang lang ako na parang hindi ata umipek ang plano ko. Eh mukhang tuwang tuwa pa sya habang pinapanuod akong kumain na akala mo may pacontest ng paunahang makaubos.

"Trabaho? But why?" Bakit ba ang dami dami nya laging tanong? Sa pagkakaalam ko naman Engineering ang course nya at hindi Journalism.

"Duh! Bakit ba nagtatrabaho ang isang tao? Hindi ba para kumita. Tss." Kung hindi lang ako kumakain baka nasapak ko sya. Paano sya naging captain ball ng university kung ganyan sya ka eng-eng?

"No. What I mean is, your parents, aren't they supporting you?" Binitiwan ko ang kutsara ko bago huminga ng malalim. Of all words, I hate parents so much. Kase yung akin, hindi naman matatawag na ganun. Criminals suit them, pero parents? Malayo. Malabo. Pag nagka snow siguro sa Pilipinas, saka pa. In short, Imposible.

"I'm an orphan. Patay na ang mga magulang ko." In a snap, nagbago bigla ang nararamdaman ko. Maganda ang gising ko pero ngayon, parang gusto kong umiyak at magwala. Pero, ayoko dahil lalake sya. Ayokong umiyak sa harapan ng isang lalake. Patay na sila. Sana nga namatay na lang sila. Pero hindi eh, kase sila yung pumapatay. Ayoko sa mga taong katulad nila. Isinusumpa ko na hinding hindi ako babalik dun at hihingi ng tulong sa kanila.

The Ruthless AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon