***
(Onyx)
Para akong lantang gulay nang makarating sa tapat ng pad ni Chans. Bakit ang tanga ko? Bakit ngayon pa? May pa walk out effect ako eh wala naman akong pupuntahan. Please utak, kung nasaan ka man, bumalik ka na please. Gusto ko nang makapag isip ng maayos.
I tried to open the door pero naka lock. Ang katangahan ko nga naman oh! How will I get in kung wala akong susi? Naiwan ko ang bag ko sa bahay nila Chans. May padrama drama pa ako, and here, I end up like a freaking idiot. Mabuti na lang at may pera pa pala ako sa bulsa ng palda ko, at buti na lang pumayag si Manong taxi driver na kulang ang bayad ko. Arg Onyx!
Pabalya akong umupo sa tapat ng pinto ng pad at isinandal ang likod ko. I even hug my knees, mas pinagmumukha ko lang kaawa awa ang sarili ko. But who cares? Aantayin ko na lang si Chans. I sighed. Anong oras pa kaya sya uuwi? I'm hungry. Dapat pala kumain muna ako bago umalis. Kase naman yung mga titig ni Chans! Para akong papatayin. Tsk. He must be thankful kase mahal ko sya. Kung hindi baka binaog ko sya by just kicking his precious thing.
Two hours later.
Ang sakit sakit na ng pwet ko. Dalawang oras na akong nag aantay pero walang Chans na dumarating. Kung anu ano nang pumapasok sa isip ko. Kung sinu sino na ang dumaan at nag alok ng tulong but I refused to. Ano ako paawa? No way! Dad thought me to-- great! Bakit ko ba naalala ang matandang yun? Because I'm hungry. Yeah that's it!
I decided to stood up at bumaba sa lobby. Mag mamakaawa na lang ako sa security na buksan ang pad nya. Hindi naman kase gumagana ang mga drama ko pagdating sa kanya. Psh. Napabuga na lang ako ng hangin out of frustration. Bakit ko ba minamahal ang lalakeng yun? He doesn't seem to care about me pero ako ito sige push lang. I sighed. I miss my old life. My bitch life where I can make the world spin at the center of my hand. Yung ako yung bida, star, at nasa akin ang spotlight. Not like now, na pinipilit kong ipagsiksikan ang sarili ko. But I'm determined na hindi bumalik sa nga magulang ko. I can't live with cruelty-- my parents alias. Tsk.
"Ma'am pasensya na pero ayaw pong pumayag ni Mr. Maniago. Hindi nya raw po kayo kilala." Nagpakawala ako ng marahas na buntong hininga matapos sabihin yun ng security. Itataboy na nya ba ako ngayon? Is he that mad to not let me in? Ganun ba sya kagalit na nagpunta ako sa bahay nila? I breath heavily, naiiyak ako. Wala na atang tatanggap pa sa akin. Bukod sa mga walanghiya kong magulang, wala na akong iba pang matatakbuhan. I have no friends-- meron pero kaplastikan lang ang mga yun. Yet I don't want to run back to them. Nahihiya naman ako sa mga pinsan ko, baka pati sila gipitin nila. Ito na ba ang karma ko sa pagiging bitch ko noon?
Past 10 pm na pero wala pa ring Chans na dumarating. I stayed at the rooftop. Kung mahina ako, I'll just jump down para matapos na ang lahat. But that's just a sin. I don't wanna be a sinner anymore. Naupo ako sa bench and let my tears run down. Hindi ko mapigilan. I'm not afraid to cry-- hindi ako takot umiyak kahit makita ako ng iba-- not just boys. Kase once na nakikita nilang umiiyak ka, they'll think that they're too special. At ayoko nun. Ako yata ang number one na tagapaglaban ng equality. But like I said I am not afraid of crying dahil napapagaan nun ang bigat sa loob ko. Basta may problema ako-- I cry. Tears are not proof of weakness. You cry because you are that strong to accept reality-- your defeat and pain. Tanggapin mong nasasaktan ka because that's reality. Lahat may counterpart.
"Panyo?" I quickly open my eyes nang marinig ko ang baritonong boses na yun. Agad kong pinahid ang mga luha ko nang makita kong nakatayo sa harapan ko si Chans, he's offering his handkerchief. I shook my head. Kunyare na lang hindi ako umiyak.
"You're just hard headed." He seriously said na syang nakapagpataas ng kilay ko. But instead nginitian nya ako-- he just fvcking smile! Ngiting ngayon ko lang nakita. Which made my heart beat so fast. Isang sincere na ngiti.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Assassin
General FictionHe wants vengeance. Gagalugarin nya ang buong mundo mahanap lang ang pumatay sa kapatid nya. He'll do anything to get even. Gamitin man nya ang babaeng mahal nya. He's a heartless, Ruthless Assassin. He is Chans Maniago.