***
(•) That symbol indicates that the next paragraph/story part is in a 3rd person's point of view. Gagamitin ko po yan sa mga scenes na medyo action, kase mas nadadalian ako sa pagpapaliwanag.(Onyx)
"Get up woman!" Daglian akong napabalikwas ng bangon nang maramdaman ko ang paghila ng kumot na tumatakip sa katawan ko.
"C-hans." Nagulat ako nang mabungaran ko ang balisa nyang mukha. And he's holding two guns for pete's sake! And as my body's initial reaction, nanginig agad ako sa takot nang makita ko ang mga yun.
"A-nong nangyayare?" Pinilit kong magsalita kahit nilalamon na ako ng takot. Ni hindi ko kayang itayo ang sarili ko paalis sa kinahihigaan ko.
"Oh shit!" Dagliang napalitan ng pag aalala ang mukha nya nang makita ang takot na takot kong anyo. Lalong dumagdag ang kaba sa buong sistema ko. Why is he holding a gun? Bakit takot sya? I thought he's brave enough, pero bakit parang titiklop na sya?
"C-hans natatakot ako. N-atatakot ako..." Ginagap ko ang dulo ng tshirt nya matapos nya akong buhatin, at doon inilabas ang takot ko. I do not care at all kung nasasakal ko ba sya o kung ano, all I care about is myself. Ayoko ng ganito, hindi ko pala kayang makitang hawak nya ang mga bagay na yun. Because guns for me symbolize that nightmare of mine.
"Sssh. It's okay Onyx. Hindi kita pababayaan." How I wish that those words will calm my system but it don't. Lalo pa nang nagmadali syang lumabas ng pad nya. I can feel the tension on his body, maging ang mabilis na pagtibok ng puso nya. Ang isang katulad ni Chans, akala ko walang kinatatakutan. I am a witness kung paano nya patumbahin ang mga naglalakihang estudyante sa university kapag nag aamok ang mga iyon. But what is happening now?
"Aaaah!" Mahigpit kong itinakip ang mga palad ko sa magkabila kong tengga. Mabilis ang pagtakbo namin nang may magputukan sa baba. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya, kahit pa gustuhin kong maging matapang, the guns he holds are enough to break me down.
Hindi ko kaya. Hanggang ngayon hindi ko pa kayang harapin ang takot ko. Honestly, I feel helpless now. Kahit nandyan si Chans, tapos ganito naman ang ikinikilos nya, that won't change a thing.
Takbo lang sya ng takbo until we reach the elevator. Agad akong napasigaw nang magbukas iyon, kase akala ko may mga kalalakihang lalabas mula roon na may dalang mahahabang baril, and then they'll shoot us to death. But I'm wrong. Bumungad sa amin si Knight at isa pang lalakeng estranghero sa paningin ko.
"Take her. Ako na ang bahala rito." Ibinaba nya na ako at inalalayan papasok sa elevator. But I took a grip on his arm nang akmang aalis na sya.
"M-ag iingat ka." I wiped my tears and force a smile, hoping that it'll help somehow. But I am stunned sa sunod nyang ginawa.
He pulled me closer and claimed my lips for a quick kiss. Kahit papaano, bahagyang bumaba ang tensyon sa katawan ko.
"I will." He let go of me at hinayaan akong makapasok sa elevator kung nasaan sina Knight.
"Take care of her." He said before the elevators door close. Knight just nodded at nagngitian lang sila. Sa tanawin kong iyon kay Chans, mayroong nag iba, hindi na sya balisa at takot gaya kanina. Now, his eyes are full of anger, determination and loathe, naghahalo halo na. Madaling basahin, pero ang hirap hirap ipaliwanag.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Assassin
General FictionHe wants vengeance. Gagalugarin nya ang buong mundo mahanap lang ang pumatay sa kapatid nya. He'll do anything to get even. Gamitin man nya ang babaeng mahal nya. He's a heartless, Ruthless Assassin. He is Chans Maniago.