Bullet 39

7.6K 190 7
                                    

"She was brave and strong and broken all at once."

--Anna Funder

***

(Onyx)

Hindi ko maipaliwanag ang labis na kasiyahan nang una kong mahawakan ang malambot nyang mukha. Umiiyak sya pero isang haplos ko lang, agad din syang tumahan. Ghad, he's so beautiful.

Pinahid ko ang takas na luha sa mga mata ko at pinagmasdan ang natutulog nyang mukha. Ano bang namana sa akin ni Euan? Sa pagdaan ng mga araw, lalo lang nagiging kapansin pansin ang pagkakahawig nya sa ama. Gaya ni Chans ay balbon din si Euan at natural na makapal ang kilay kahit na bata pa lamang sya.

He's three weeks old now, and up until now I'm so happy, na kahit may mabigat akong pinagdadaanan ay may Bryn Euan sa buhay ko. Sya na lamang ang nagdudugtong sa amin ni Chans, si Euan na lamang ang dahilan ng lahat.

"I just want to remind you that next week, magiging akin ka na."

Banggit ni Cendo nang minsan syang pumunta dito sa bahay. Wala pa ring nagbabago sa plano ng mga magulang ko na itali ako sa kanya. At hindi pa rin naman nagbabago ang desisyon ko. Ayokong makasal sa kaniya, kaya gagawa ako ng paraan. Kung kinakailangan kong muling tumakas, then I'll escape. Hindi ako pwedeng manatili sa bahay na ito. Pakiramdam ko may binabalak silang masama. Hindi ligtas dito ang anak ko.

Araw araw pare pareho lang. Iisa lang ang prayoridad ko sa bawat araw, ang alagaan si Euan. Walang tumutulong sa akin kaya madalas, puyat ako dahil sa pag iyak nya sa kalagitnaan ng gabi. Pero hindi mapapantayan ng lahat ng hirap ko ang sayang binibigay nya sa akin, isang ngiti nya pa lang, tanggal na lahat ng pagod ko. Gustong gusto ko syang ngumingiti dahil lumalabas ang magkabilang biloy nya sa pisngi, ang nag iisang bagay na naman nya sa akin. Kung narito siguro si Chans, para siguro kaming isang pamilya. Pero sa puntong ito, hanggang pangarap ko lang muna ang lahat ng iyon.

"Uwaah" Tamad akong napabangon at napakusot sa mata ko. Sumilip ako sa relo sa dingding at napabuntong hininga. 12:30 am. Umiiyak na naman si Euan. Pinusod ko muna ang aking buhok bago ko sya dinungaw sa crib nya na nasa loob lang din ng kwarto ko. Mapula ang kanyang mukha at iyak sya ng iyak. Agad ko syang binuhat at inugoy ugoy sa bisig ko. Kinapa ko rin ang suot nyang diaper pero hindi naman ito basa.

"Gutom ka na naman baby?" Napangiti ako dahil sa mumunti nyang pag ungol. Para bang naiintindihan nya ako. Dinala ko sya papunta sa kama ko at doon sya sinimulang i breastfeed. Sa totoo lang ay antok na antok ako, pero hindi ko naman sya pwedeng pabayaang magutom. Mahal na mahal ko kaya itong si Euan ko.

Nang makita kong mahimbing na ang pagkakatulog nya ay muli ko syang ibinalik sa crib. Ngayon, ako naman ang gutom. Hindi ako nakapaghapunan kanina dahil ayokong lumabas ng kwarto. Narinig ko kasi na nandyan daw si Cendo kanina. Nakauwi na naman siguro yun, kaya pupwede na akong bumaba.

Nang makalabas ako ng kwarto ay tahimik na ang lahat, tulog na siguro ang mga katulong. Patay na ang mga ilaw sa kabahayan, at ang tanging bukas na lang ay ang ilaw sa salas. Nangunot ang noo ko. May tao? Dala ng kyuryosidad ay mas lumapit ako, at doon nakumpirma na may tatlong bulto ng tao sa salas. Anong pinag uusapan nila sa ganitong oras? Bakit nandito pa si Cendo? Wala ba syang balak umuwi?

Ipinagkibit balikat ko na lang ang lahat at lilihis na sana ng daan nang maulinagan ko naman ang sinabi ni Cendo.

"No. I know her. Magmamatigas sya, she won't marry me. Kailangan mong gumawa ng paraan Amado." Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng iba, pero nagpanting ang pandinig ko dahil alam kong ako ang pinag uusapan nila. Umiling ako at nagtago sa pader malapit sa kanila. I need to eavesdrop para malaman ko kung may masama silang binabalak.

The Ruthless AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon