***
(Theasia)
I don't understand why, bakit kailangang gawin yun ni Chans. Bakit kailangan nyang ipahamak ang sarili nya sa babaeng yun? Anak sya ng kaaway, ng killer ni Chase pero walang pag dadalawang isip nya pa ring pinuntahan sya para iligtas, despite the fact na nanghihina pa sya.
"Asia." I looked back at pinahid ang mga luha ko nang makita ko si Mom na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. May dala syang isang baso ng gatas, at may lungkot sa mga mata. I tried to smile kahit maliit lamang. Ayoko na syang pag alalahanin pa, she's pregnant at makakasama ang stress sa kalagayan nya.
"Iniisip mo pa rin ba ang naging desisyon ng kuya mo?" Umupo sya sa tabi ko sa gilid ng kama at sinimulang haplusin ang buhok ko mula sa gilid nya. Inilapag nya ang baso ng gatas sa bedside table at pilit na pinaharap ako sa kanya.
"Mom, I don't understand why." Nagsimulang maglandas pababa ang mga luhang kanina lamang ay napigil ko na sa pagpatak. Ngayon, hindi ko na sila kaya pang pigilan. Ang sakit isipin na mas pinili pa ni Chans ang babaeng yun, kahit pa pinakiusapan ko sya na 'wag nya na lamang ituloy ang binabalak nya.
"Asia, alam kong galit ka sa ginawa ng ate Amara mo, aaminin ko ganyan din ang naramdaman ko nung una, pero pinaunawa sa akin ng Daddy mo kung bakit hindi dapat ako makaramdam ng galit sa kanya." She wiped my tears at hinaplos ang pisngi ko. Ibinaba ko ang tingin ko para iwasang titigan ang maamo nyang mukha. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makuha, kahit pa si Mom ang magpaliwanag sa akin, isang bagay pa rin ang malinaw. Galit ako kay Amara, sa buong pamilya nya, at kahit kailan hindi ko sya matatanggap para kay Chans.
"Magpapahinga na po ako." Umayos ako ng higa sa kama at binalot ang sarili ko sa comforter. Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Mom bago sya tuluyang umalis.
Pinilit kong ipinikit ang mga mata ko to be able to find a sleep pero hindi pa naman ata nakakadalawang minuto ang pagpikit ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Bukas yan." Bumuntong hininga ako, naupo at sumandal sa head board ng kama. Inabangan ko ang pagpasok ng kung sinoman ang nag abala pang distorbuhin ako.
"Jake." He addressed. I smiled at him. It's Terrence Jacobo. He's wearing the same outfit he's wearing yesterday, and the other day, same as last week. Pare pareho ang yari ng mga damit nya. Long sleeves na pinatungan ng knitted vest. I kinda think that he's so baduy, but oh well it's his choice anyway.
"What are you doing here? I thought nasa London ka with your brother." He emailed me na hindi raw sya makakapasok dahil may aattendan sila ng kuya nya ng exclusive party sa London, then why is he here?
"I heard what happened. Kuya cancelled our trip. Ayos ka na ba?" He scratched his nape after asking at pinapasok ang sarili before he closed the door. I smiled, at least sya may pakialam sa nararamdaman ko. I tapped the space beside me and ordered him to sat there at hindi nya naman ako binigo.
"I just wished I am." Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya and let him hold my hand. In times like this, sya ang lagi kong kasama kaya siguro ganito ako kakomportable sa piling nya.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Assassin
General FictionHe wants vengeance. Gagalugarin nya ang buong mundo mahanap lang ang pumatay sa kapatid nya. He'll do anything to get even. Gamitin man nya ang babaeng mahal nya. He's a heartless, Ruthless Assassin. He is Chans Maniago.