"The most painful tears are not the ones that fall from your eyes and cover your face. They're the ones that fall from your heart and cover your soul."
--Unknown
***
(Onyx)
"...Onyx Amara Montecarlo, do you take Cendo Sandoval as your lawfully wedded husband.... 'til death do you part?" Hindi malinaw sa akin ang sinasabi sa akin ng pari. No. Walang malinaw sa nangyayari. Ang alam ko lang nag 'I do' si Cendo. Yun lang ang malinaw sa akin simula nang magmartsa ako papasok ng simbahan na ito.
I looked back, baka sakaling nasa may pintuan sya para pigilan ang lahat. Pero nabigo ako. He won't save me, nobody will save me now, dahil ako mismo ang may gusto niyon. It's been two months mula nang umalis ako, at wala na akong balita pa sa kanya. Ang tanging naaalala ko na lang ay ang maamo nyang mukha bago ko sya iniwan. Now, I do not know. Kamusta na kaya sya? Ganoon pa rin ba? Matapang pa rin ba at mapagmataas ang dalawa nyang kilay, maamo pa rin ba ang mukha nya kapag mahimbing ang tulog nya? Maaanghang pa rin ba ang mga binibitiwan nyang salita? Eh yung buhok nya humaba na kaya? Nagbago na kaya si Chans pagkatapos ng dalawang mahahabang buwan? Or is he the same? Natatakot akong malaman. Dahil baka kasabay ng pagbabago nya, ay ang paglimot nya sa akin.
"Onyx?" Nagbalik ako sa ulirat nang marinig ko ang pagtawag ng pari sa pangalan ko. Mahigpit ang hawak ni Cendo sa kamay ko. Humawak ako sa braso nya dahil pakiramdam ko nauubusan ako ng lakas. May humahalukay na naman sa sikmura ko at gaya ng mga nakaraang araw, gusto ko iyong isuka palabas. No. Not in here please.
Damn it! I need to throw up. Nilingon ko ang mga magulang ko, they're smiling from ear to ear. Bakas ang wagas na kasiyahan sa mga mukha nila. Naiinis ako pero mas pinanghihinaan ako. Dumidilim ang paligid kasabay ng pagbigat ng talukap ng mga mata ko. What is happening? Nilalamon ako ng antok at pakiramdam ko bumagsak na ang katawan ko.
I need to be strong right? Then what is this?
Kasabay ng matinding kasiyahan ng iba ang kalungkutan naman para sa iba. Hindi pantay ang mundo, hindi ito umaayon sa kahit sino. The world's spinning ika nga. Nasa ibaba man ako ngayon, someday I'll be at the top. At it's finest peak. Mapupunta rin ako roon, balang araw. War and love. They ruined me. Guns, bombs, knives at ang galit na syang pinakamatibay na sandata. Blood, lives, peace, iyon ang binabawi ng bawat putok ng baril, tapon ng bomba, at asik ng mga salita. They can ruin everything even the most perfect ones. Kayang kaya ka nilang sirain at wala kang magagawa kundi ang panuorin silang gawin iyon.
"...that can't be! Tangina ipalalaglag natin yang hayup na yan!" Iminulat ko ang mga mata ko at sinalubong ako ng mga sigawan. Hindi ko maintindihan. Anong pinaguusapan nila? Maayos na naman ang pakiramdam ko pero pakiramdam ko'y hindi ko maigalaw ang mga kamay ko.
Shit! Pinilit kong kalasihin pero hindi, hindi ko sila matanggal. No. Nakaposas ako? Wait-- inilibot ko ang paningin ko at napagtantong nasa sarili ko akong kwarto. Nakaposas ang mga kamay at suot pa rin ang bestidang pangkasal.
"S-inong ipalalaglag? Anong sinasabi nyo?" Umupo ako kahit nahihirapan akong gumalaw. Tatlong bulto ng tao ang agaran kong nakita. Panay galit ang mga mata nila, at nakapukol iyon sa direksyon ko. Gaya ko, suot pa rin nila ang mga damit pangkasal. Natuloy ba? Asawa ko na ba ang hayup na si Sandoval? Ang labo. Hindi ko masyadong maalala.
"Walanghiya ka talagang bata ka! Anong kalandian ba ang dumadaloy dyan sa dugo mo at pumatol ka sa Maniago na iyon?! Tangina naman!" Mariin akong napapikit nang tabigin nya ang vase sa may pintuan ng kwarto. Masamang masama ang tingin nya sa akin. Pinakakalma sya ng ina ko pero walang nangyari. Dinuduro duro nya ako.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Assassin
General FictionHe wants vengeance. Gagalugarin nya ang buong mundo mahanap lang ang pumatay sa kapatid nya. He'll do anything to get even. Gamitin man nya ang babaeng mahal nya. He's a heartless, Ruthless Assassin. He is Chans Maniago.