***
(Onyx)
I hesitantly followed Knight papasok sa mansyon ng mga Maniago. I do not know what we're doing here. Nahihiya akong magpakita sa mga magulang ni Chans. Lalo na kay Theasia. Last time kase, bigla na lamang akong umalis ng walang pasabi. Mula nung araw na yun, hindi ko pa ulit nakakausap si Theasia. I'm afraid that she's mad at me.
"Ate Amara!" Nagulat na lang ako when she ran away and hugged me tight. It's Theasia. Mahigpit syang nakayakap sa akin whispering that she missed me.
"I miss you too Little B." She giggles when I address her little b. Yun ang tawag ko sa kanya noon paman. Back when I was busy bitching around.
"Tara Ate, Mom and Dad, they're waiting for you inside." She smiled genuinely at sinimulang hilahin ako papasok. Pero bago paman kami tuluyang makapasok, pinigilan ko na sya.
"G-galit ba sila? You know..." Nahihiyang napayuko na lang ako. Hindi tama ang inasta ko noon, baka naman ayaw na nila ako rito. Ke bago bago ko tapos ganun pa ang inasal ko, sa harapan pa ng mga kamag anak ni Chans. I'm such a disappointment.
"Let's see." Dumoble ang kaba ko dahil sa naging sagot nya, habang sya tawa lang ng tawa. Wala rin naman akong nagawa kundi ang magpatangay na lang sa paghila nya sa akin.
Pagkapasok namin, prente nang nakaupo sina Knight at Clide sipping their coffees. Kaharap nila sa isa pang couch ang parents ni Chans. Tita Althea with her baby bump and Tito Jacob on her side, holding her hands. Ang sarap sa paningin.
"Amara hija." Nag alangan pa akong lumapit sa kanya when she extended her arm, asking me to get near. Dahil hindi ko na maigalaw ang mga paa ko sa kaba-- dahil sa tingin ni Tito Jacob, Theasia push me a little para makalapit sa Mom nya.
"Tita." I greeted at sinagot ang pakikipag beso nya. I'm glad that she's not mad at me. I slightly smile nang nginitian naman ako ng asawa nya, kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko.
"May gusto ka bang kainin hija, magpapahanda ako?" Agad na tanong nya nang makaupo ako. Naninibago ako sa katahimikan ng dalawang lalake sa tabi ko. Theasia's busy with her phone.
"Ay naku hindi na po. Hihintayin ko na lang po si Chans para po makauwi na kami." I bit my lower lip nang maalala ko si Chans. Alam kaya nila ang nangyayare? Bakit parang hindi naman sila nag aalala? At isa pa, may uuwian pa ba kami matapos ang nangyare sa heights?
"Uuwi? But Ate, you'll be living here simula ngayon." I shift my gaze back to Theasia at hindi makapaniwalang tiningnan sya. Hindi ko alam kung namali ba ako ng dinig sa sinabi nya, so I threw her a questioning look.
"Oh. Hindi ba nasabi sayo ni Chans? Ghad! Did I just spoiled his surprise if ever?" Nakakatuwa ang reaksyon nya, pero hindi ko magawang tumawa. Kung totoo man yun, patay na! Hindi ko ata kayang tumira rito. Bukod sa nakakahiya, isa pa rin akong Montecarlo. Paano na lang kung malaman nila yun? I'm sure they'll kick me out of here.
Ang pagtira nga kasama ni Chans ay malaking pagkakamali na, tapos ngayon kasama pa ng pamilya nya? Paano kapag nalaman ng magagaling kong mga magulang ang ginagawa ko? They'll surely ignite the fire and start a war. No. Hindi yun pwede. Ayoko nang magkagulo ang mga pamilya namin jusy because I've made a wrong decision.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Assassin
General FictionHe wants vengeance. Gagalugarin nya ang buong mundo mahanap lang ang pumatay sa kapatid nya. He'll do anything to get even. Gamitin man nya ang babaeng mahal nya. He's a heartless, Ruthless Assassin. He is Chans Maniago.