***
(Onyx)
Kasalukuyan akong nakaupo sa lilim ng puno sa may field ng university. Dito ko naisipang magpalipas ng oras. Itinuon ko ang atensyon ko sa larawang iginuguhit ko.
Pero kahit anong pagkaabalahan ko, ganun pa rin kabilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko ang reaksyon ni Chans kanina sa court. He said that he didn't heard anything pero kailangan naman daw naming mag usap mamaya sa unit nya. At doon ako kinakabahan.
Nagnakaw ako ng isang buntong hininga bago iligpit ang mga gamit ko, at pagpasyahang umalis na lang. Mamaya pa namang alas tres ang susunod kong klase, ala una pa lang. Hahanap muna ako ng lugar na pwede kong pagpatayan ng oras.
Nakarating ako hanggang sa mataas na gate ng university. Nagdadalawang isip ako kung lalabas ba ako o hindi. Wala naman akong mapupuntahan dahil wala akong pera. Hindi rin ako pwedeng magpunta sa paborito kong gallery dahil wala akong pera pambayad ng entrance.
Nagkibit balikat na lang ako bago tuluyang lumabas ng university. Doon na lang ako sa plaza pupunta, manghuhuli na lang ako ng mga nagcu-cutting na estudyante para makipag date. Napailing na lang ako at napatawa sa naisip ko.
Binagtas ko ang kahabaan ng kalye papunta sa plaza nang maramdaman kong parang may sumusunod sa akin. Imbes na lumingon, mas binilisan ko na lang ang paglalakad. Masama ang kutob ko. Lakad takbo ang ginawa ko pero ganun pa rin. Nagpalinga linga ako pero wala naman akong nakitang tao na pwedeng hingian ng tulong dahil, hindi naman 'to highway.
"Aaahh!!" Napasigaw na lang ako nang may humablot sa braso ko at pilit akong kinaladkad.
"Bi-bitawan mo ko!" With all my strength, sinubukan kong kumawala pero sa laki ng lalaking humihila sa akin wala akong nagawa. Kahit pa mag sisigaw ako, imposibleng may makarinig sakin.
May pumaradang isang itim na van sa harapan namin. Namamawis ang mga kamay ko. May nagbukas ng pinto ng van mula sa loob at ipinagtulakan ako ng mama papasok dun.
"Pakawalan nyo na po ako! Wala akong pera! Wala kayong mapapala sakin." Pagmamakaawa ko nang isara na nilang muli ang pinto at pinaharurot ang van. Isa isang nagpatakan ang mga luha ko. I looked back at natanaw kong malayo na kami sa pinanggalingan namin.
Pinagmasdan ko ang mga dumukot sa akin. Tatlong malalaking mama na panay nakasuot ng itim. I gasped. Saan ba nila ako dadalhin?! Anong kailangan nila sa akin?!
"Pakawalan nyo na po ako. Parang awa nyo na!" Niyugyog ko ang katabi kong mama pero hindi nya naman ako pinapansin, kahit tingnan man lang ako.
Patuloy ako sa pagmamakaawa sa kanila, hanggang sa ako na mismo ang napagod. Napabuntong hininga na lang ako, at napasandal sa upuan. Sinulyapan ko ang mamang katabi ko. Hindi naman sya mukhang goons, ganun din yung driver at nakaupo sa passenger's seat.
"Saan nyo po ba talaga ako dadalhin?" Sinubukan kong maging mahinahon at kalmahin ang sarili ko. Naisip ko lang, kung may masama man silang gagawin sakin, goodbye Chans na lang ang beauty ko.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal bumyahe, unti unti na kase akong hinila ng antok.
"Hmm.." Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang marahang pagtapik sa pisngi ko.
"Si-sino ka?" I asked sa lalakeng kaharap ko. I looked around, at gaya ng hinala ko hindi ang mga lalaking yun ang may pakay sa akin.
"Welcome back, young lady." Nagtangis ang mga bagang ko nang marinig ko ang boses na yun. At gayun na lamang ang panginginig ng kalamnan ko nang lumabas sila mula sa isang kwarto.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Assassin
General FictionHe wants vengeance. Gagalugarin nya ang buong mundo mahanap lang ang pumatay sa kapatid nya. He'll do anything to get even. Gamitin man nya ang babaeng mahal nya. He's a heartless, Ruthless Assassin. He is Chans Maniago.