Bullet 29

7.5K 196 14
                                    

***

(Onyx)

I did save Chans's life, but why can't I save mine?

"You're over thinking things again. Don't worry, we'll find Asia." Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya at pinakinggan ang tibok ng puso nya. I am so worried about Theasia, tatlong araw na syang nawawala. Hindi namin sya mahanap even if Tito Jacob's the king of Daiamondo. And I've heard their conversation last night, Clide said that there's no possible way to find Theasia.

"Patawad Chans, kasalanan ko." Kung hindi dahil sa akin hindi sya aalis, hindi sana sya nawawala ngayon. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare, I should've married Cendo instead. Baka kung ganoon ang nangyare, wala nang gulo.

"Hey stop blaming yourself. It is not your fault na hindi nya pa maintindihan ang lahat. And if you're wishing na sana nagpakasal ka na lang kay Sandoval, stop now woman. Kase kahit buhay ko pa ang maging kapalit hindi ko hahayaang mangyari yun. I'll still save you against all odds. Because the day you confessed your love for me, you're already mine." Naipikit ko na lamang ang mata ko at dinama ang paglapat ng labi nya sa noo ko. Sana nga ganoon kadaling burahin ang guilt na nararamdaman ko, kase from then and now pakiramadam ko, ako ang puno't dulo ng lahat ng gulo at kamalasang nangyayare sa pamilya Maniago.

"Magpahinga ka muna, I'll be down stairs." He smiled then gave me a peck on my lips. I smiled back and slightly nodded. Nakaalis na sya pero nanatiling bukas ang mga mata ko. Nakatingin sa kisame, nag iisip ng paraan para makatulong ako. Alam kong gusto nya lang akong mapanatag, kahit nahihirapan na ang loob nya sa pagkawala ni Theasia. Alam kong gabi gabi syang umiiyak, pati na rin si Tita Thea dahil sa pagkawala ng bunso nila. Hindi nila sinasabi pero kilos na mismo nila ang nagpapatunay.

Alam kong sa oras na ipikit ko ang mga mata ko, aalis sila ng bahay. Kasama ang mga tauhan nila para maghanap ng kahit anong traces. Alam ko yun, sa gabi kapag palagay nya tulog na ako, babangon sya, magbibihis, bubulong kung gaano nya ako kamahal, pagkatapos aalis. Gabi gabi ko syang tinatanaw sa bintana, pinanunuod ang pag alis nya. Kinabukasan pagmulat ng mata ko, nasa tabi ko na sya. Nakangiti, at palaging sinasabing magiging okay lang ang lahat. Kahit kitang kita ang lungkot sa mga mata nya, pinipilit nyang ngumiti, kahit pagal na ang katawan nya dahil sa kakulangan ng tulog, kumikilos sya na parang ang lakas lakas nya, kahit alam kong sa loob loob nya, he just wanted to break down and end this all.

Alam kong sinisisi nya ang sarili nya sa lahat ng nangyayari. Pareho lang kami ni Chans, pero ang pinagkaiba namin, sya, pinipilit nyang maging malakas para sa pamilya nya. Isang bagay na ang hirap gawin, bagay na hindi ko kaya dahil pinangungunahan ako ng takot ko.

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko and reached for my phone na nasa ibabaw lamang ng side table. Nagtipa ako ng number sa screen at pinakinggan ang pagtunog ng kabilang linya.

"Hello, this is Clint speaking. Who is this please?" Agad akong napangiti nang marinig ko ang boses nya.

"Kuya Clint." Sana matulungan nya ako. Sana matulungan nya kami. Sya na lang ang kaisa isang taong alam kong mapagkakatiwalaan ko.

"Amara?! Oh my God! Ikaw ba talaga yan Amara? Damn! We were so worried about you. I heard what happened, nasaan ka ngayon? Are you okay?!" Sunod sunod ang mga tanong nya at wala akong nagawa kundi mailing na lang. Hindi sya nagbago, sya pa rin talaga ang taong tinanggap ako.

The Ruthless AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon