Hindi ko mapigilang pagpawisan habang naglalakad sa mahabang kalsada patungo sa Building nila Cygnus. Binibinilisan ko na nga ang lakad ko dahil kapansin pansin ang tingin ng mga estudyante sa akin.
Si Ruckus naman ay walang choice kung hindi sumunod nalang dahil tutal siya naman ang may gustong sumama.
Kung sa tutuusin ay kaya ko namang mag isa. Minsan na akong nakapunta sa Building ng mga taga-Business Ad kaya hindi ako malilito.
Bakit nga ba kami pupunta doon?
Simple lang. Kakausapin ko si Cygnus na iurong ang paghahamon niya ng laban kay Timotheo. Ako nalang ang magbabayad sa nasira nito.
Naaawa lang kasi ako sa taong 'yon kaya gagawin ito. May pera naman ako. Kaya kong bayaran kung magkano man ang singilin ng Ungas na si Cygnus.
Huwag lang sanang sobrang laki.
"Bro, bagalan mo naman ang lakad. Hinihingal na ako." Rinig kong reklamo ni Ruckus.
Natigilan ako at nilingon siya. Nakangiwi siyang lumapit sa akin.
"Marami pa naman tayong oras. Halos lunch break pa nga lang." Sinulyapan niya ang wrist watch niyang suot.
"Baka kasi hindi natin makita si Cygnus doon. Ang alam ko, madalas siyang hindi pumasok."
Maraming kumakalat na tsismis tungkol kay Cygnus dito sa school. Palibhasa, sikat siya kaya marami nagkakainteres sa kung anumang issue o kwento patungkol sa kanya.
Isa na ako dun. Pero dati yun. Hindi na ngayon.
"Bro, sure ka na bang kakausapin mo si Cygnus tungkol sa problema ni Tim?"
Walang pag aalinlangan akong tumango at muling lumakad. Agad naman siyang sumunod sa akin.
"Paano kung hindi siya pumayag?"
"At bakit hindi siya papayag?" Balik kong tanong.
"Bro, kinalat na nila sa buong school ang magaganap na race sapagitan nating mga taga-Automotive laban sa sa grupo ni Cygnus. Hindi na yun basta iuurong."
Napailing ako sa narinig. Kahapon lang naganap yung pag uusap naming magkaka-klase tungkol nga sa nagawa ni Timotheo sa kotse ni Cygnus. As in kahapon lang yun pero mabilis na kumalat sa buong school ang tungkol dun.
"Tangina. Instant sikat tuloy tayo. Tignan mo." Patuloy ni Ruckus at inginuso ang mga estudyanteng nakakasalubong namin.
Sa totoo lang kaninang umaga pa sila ganyan. Kung makatingin. Wagas. Hanggang sa kumakain kami kanina sa Cafeteria ay panay ang bulong bulungan nila.
Letse talaga.
"Hayaan mo na sila." Sabi ko nalang.
Tanging tango lang ang isinagot ni Ruckus. Halata ko sa kanyang mukha na hindi siya kumportable sa atensyon na ibinibigay ng mga taong nakakakita sa amin. Ngayon nga ay naka-kapit pa siya sa backpack ko na akala mo batang takot mawala.
Nang makarating sa building nila Cygnus ay agad namin itong hinahanap.
Nakakamangha ang building nila dahil sa malawak at medyo yayamanin ang buong paligid. Ang lakas pa ng aircon. Maganda pa tignan ang mga uniporme nilang suot.
Dahil sikat si Cygnus ay hindi kami nahirapan na mahanap siya. Sakto namang kaka-break time lang din nila. Kaya hindi kami makaka-abala.
"Yan na yata yung classroom nila." Inginuso ni Ruckus ang bukas na silid sa tapat namin.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: JAGUAR
Novela JuvenilNang masaktan sa pag ibig si Jaguar ay ipinangako niyang hindi na siya magkakagusto ulit. Mag susumikap nalang siya sa pagtatrabaho bilang race driver sa Death Race. Kaya lang, muling nagpakita sa kanya ang dating nagugustuhan na si Cygnus Mugen na...