"What? Pustahan?" Gulat na reaksyon ni Ruckus matapos kong ikwento sa kanya ang narinig ko kagabi sa mansyon ni Cygnus.
Tumango ako bago sumandal sa kinauupuan ko. Tahimik kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng restaurant na kinaroronan namin.
Kasalukuyan kaming nasa mall. Pasado alas onse na ng tanghali. Dahil sabado at wala naman kaming pasok. Naisipan kong ayain si Ruckus na gumala dahil kailangan ko ng kausap ngayon. Buti na nga lang talaga at agad siyang pumayag.
Hindi nga ako personal na nagpaalam kay Cygnus. Basta tinext ko lang siya na aalis ako saglit.
"Baka naman mali ka lang ng dinig?"
Napasimangot ako sa kanya.
"Hindi ako bingi, Ruckus. Dinig na dinig ko ang sinabi ni Cygnus. Kausap pa nga niya yung mga tropa niya."
Hindi ko maiwasang mayamot ngayong pinag uusapan namin ang tungkol dito. Halos hindi nga ako masyado nakatulog kakaiisip.
Gagong Cygnus. Muntikan pa akong maniwala na talagang gusto niya ako. Iyon pala, hindi totoo. Buti nalang hindi ako agad bumigay kung hindi talo na ako.
"Sinong mga tropa niya? Kilala mo ba?"
Umiling ako.
"Ewan ko kung sino ang mga yun. Pero malakas ang kutob na mga tulad niya din may sapak sa ulo."
Inis na napahimas ako sa batok ko. Nagsisimula na naman akong mainis. Pinipigilan ko lang ang sarili ko. Gusto ko siyang sakalin hanggang sa mag violet siya.
Hindi ko akalain na muntikan na akong mauto ng mga mabulaklak niyang salita. Akala ko talaga, totoo na ang nararamdaman niya sa akin.
Iyon pala hindi.
"Anong plano mo?" Panibago niyang tanong na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Hindi agad ako nakasagot. Saglit akong napaisip.
Ano nga bang plano ko?
"Dapat ba kumprontahin mo siya sa nalaman mo o hahayaan mo lang? A-akto ka ba na parang wala kang alam." Dagdag pa niya.
Nanatili akong tahimik. Mabusisi akong nag iisip ng isasagot.
"Jax?" Tawag niya habang nagtataka.
"Hahayaan ko siya sa laro niya." Nakangisi kong sagot.
Kumunot ang noo niya.
"Hahayaan mo? Bakit? Huwag na. Tanga ka kapag ginawa mo yan."
Ramdam ko ang concern niya sa akin. Syempre magkaibigan kami. Ayaw niya lang akong masaktan.
"Naglalaro siya ng pustahan, 'diba? Pwes, sasabayan ko ang laro niya. At sisiguraduhin kong ako ang mananalo."
"Paano mo gagawin yun?"
"Basta abangan mo nalang."
Laro pala gusto ng Ungas na si Cygnus. Okay. Fine. Makikipaglaro ako sa kanya. Tignan natin kung sino matatalo sa bandang dulo.
Lagot siya sa akin.
"Hindi ba, may lakad kayo mamaya? Mabuti pa umuwi ka na."
Ngayong nabanggit niya ang tungkol dun. Naalala kong nag usap pa pala kami kagabi ni Cygnus bago ako matulog. Ipinaalala niyang aalis kami ngayong sabado. Hindi niya sinabi kung saan kami eksaktong pupunta. Basta may kinalaman daw sa pagiging Gangster niya.
"Mamaya pang hapon yun. Gusto ko munang tumambay dito. Ayoko muna siyang makita baka masapak ko lang siya."
"Bahala ka. Gawin mo kung anong gusto mo. Makipaglaro ka sa kanya. Mag ingat ka lang dahil baka sa bandang huli, ikaw pa ang matalo." Makahulugang paalala niya.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: JAGUAR
Teen FictionNang masaktan sa pag ibig si Jaguar. Ipinangako niyang hindi na siya magkakagusto ulit. Mag susumikap nalang siya sa pagtatrabaho bilang race driver sa Death Race. Kaya lang, muling nagpakita sa kanya ang dating nagugustuhan na si Cygnus Mugen na ki...
