Ang aga-aga pa pero nakasimangot na ko. Paano ba naman. Bad trip ako mula pa kagabi. Wala nga sana akong balak pumasok ngayon. Kaya lang, absent na ako nung nakaraan. So hindi ako pwedeng hindi pumasok ngayong araw.
Padabog kong isinarado ang pinto ng kotse ko pagkalabas ko dito. Iginala ko ang tingin sa paligid. Nakita kong may ilang estudyante sa di kalayuan na nakatambay. May ilan din namang palakad lakad kung saan-saan. Tapos ay sumulyap ako sa wrist watch ko. Nakita kong medyo maaga pa kaya sobrang tahimik pa dito sa school.
Akmang ihahakbang ko na ang mga paa ko nang matigilan dahil may kung sinong ponchio pilato ang tumawag sa akin. Paglingon ko, tumambad sa akin ang isang lalaking palapit.
Si Ashton Romero.
Ang isang ito ay kasalukuyang kumukuha ng Mechical Engineering. Nakilala ko siya nang minsang magtrabaho siya sa Death Race bilang staff. Siya ang madalas nag a-ayos sa kotse ko kapag may sira. Pero dahil gusto niyang mag aral ulit kaya agad siyang umalis.
"Totoo ba yung balita?" Agd na tanong nito na tila nagmamadali dahil hindi man lang bumati muna.
"Tungkol saan?"
Ngumiwi siya bago hinimas ang batok.
"Na Gay ka daw?"
Hindi ako umimik. Tumango lang ako. Hindi kami ganun ka-close para magkwento pa ako ng kung buong detalye sa kanya. Gayunpaman, dahil ikinalat na nga ni Vester ang tungkol sa akin. Nonsense kung itatanggi ko pa ang ini-issue nila sa akin.
"Oh, totoo pala."
"Dismayado ka ba?"
Mabilis siyang umiling.
"Hindi naman. Kahit ano ka pa. Ikaw pa din si Jaguar. Ang isa sa hinahangaan ko sa Death Race."
Medyo cringe pakinggan. Dahil si Mclaren naman talaga ang idol niya sa Expedallion at hindi ako.
"Thanks." Tanging na sabi ko nalang.
"Pero bukod dun, gusto ko din kumpirmahin kung totoo yung ibinalita ni Ruckus sa akin."
Naningkit ang mga mata ko sa narinig.
"Anong ibinalita niya?"
Muntikan kong makalimutan na kakilala din pala ni Ruckus itong si Ashton. Dahil close sila. Kaya malamang marami silang napagkukwentuhan lalo na yung nangyari kagabi.
"Natalo ka daw ni Cygnus Mugen." Sagot nito.
Sabi na nga ba.
Hindi ako nakasagot agad. Naisip ko na baka pwedeng kong sakalin si Ruckus mamaya dahil masyado siyang madaldal. Pati yung nangyari kagabi ay kinuwento niya na agad sa iba.
"Jaxon?"
"Oo."
Dahil nabanggit niya ang tungkol sa naging laban namin ni Cygnus. Mulkng bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kagabi.
"Tangina!" Pagmumura ko nang makitang nalagpasan ako ng Red ferrari ni Cygnus.
Kapapasok palang namin sa Second Laps. Kanina sa First Laps. Ako ang nangunguna. Kitang kita ko nga ang lamang ko sa kanya nun dahil mabilis akong naka-arangkada. Pero ngayon naunahan niya na ako.
Mahigpit akong napahawak sa manibela at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ko. Sa pag aasam na mahabol si Cygnus. Ibinigay ko na talaga ang hundred percent kong makakaya. Dama ko ang pangangalay ng mga kamay at paa ko kahit nasa ikalawang Laps palang kami.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: JAGUAR
Teen FictionNang masaktan sa pag ibig si Jaguar. Ipinangako niyang hindi na siya magkakagusto ulit. Mag susumikap nalang siya sa pagtatrabaho bilang race driver sa Death Race. Kaya lang, muling nagpakita sa kanya ang dating nagugustuhan na si Cygnus Mugen na ki...
