"Bakit siya kakausapin ni Miss Karin?" Tanong ni Lotus na nakatingin sa akin.
Napailing ako.
"Wala akong ideya." Sagot ko at isinandal ang likuran sa sofa na kinauupuan.
Kalalabas lang ni Bugatti kasama si Miss Karin. Base sa ekspresyon ng aming manager ay mukhang sesermunan niya si Bugatti.
Buti nga.
This past few weeks napapansin kong bumababa ang performance ni Bugatti. Dahil kada match niya ay muntikan na siyang matalo. Swerte niya at nagagawa niyang makahabol sa kalaban kaya na nanalo pa din siya. Sa oras na matalo siya sa isang match lang. Sure akong bubugahan siya ng apoy ni Miss Karin.
Dito sa Death Race International. Mahalaga ang panalo naming mga taga-Expedallion Crusader dahil kami ang mukha ng kompanya. Kami din ang dahilan bakit maraming grupo ng mga racers ang nagpupunta dito para lumaban. Ang ending, dagdag pera yun lalo na kung matatalo namin sila.
Pero ayon kay Boss Cosimo. Wala namang kaso kung paminsan minsan matatalo sa isang match ang isa sa amin. Basta huwag naman daw sunod-sunod.
Buti na nga lang at hindi naman nangyayari yun.
"Mauna na 'ko." Biglang paalam ni Ford na agad namang sinundan ni Lotus.
Nauna ng umalis si Lamborgini, Maserati at Chevrolet pagka-alis lang ni Bugatti kasama si Miss Karin.
Naiwan ako, si Maclaren at Mazda dito sa meeting room. Katatapos nga lang ng maikling pulong namin. Ipinaalala ni Miss Karin ang interview namin sa isang sikat na magazine.
Kahit pa ayoko ng mga ganung aktibidades ay no choice ako. Ayokong masermunan ni Miss Karin.
Bilang manager ay siya ang nangangalaga at humahawak sa amin. Parang siyang nagsisilbing coach. Siya din ang nagbibigay ng schedule sa kung anong araw at oras ang individual match namin. Ganun din kapag may group match kami.
"Kamusta ang match ko kanina, Jag? Anong masasabi mo sa record ko?" May kuryusidad na tanong ni Mazda.
Naka-dekwatro siya ng upo sa kabilang sofa katabi si Mclaren. Ngumiwi ako at dinampot ang laptop kong nasa lamesa. Binuksan ko iyon at tinitigan ang mga sinulat ko dito kanina lang.
"Ayos lang. Mas mabilis ka lang ngayon ng five minutes."
Sumimangot si Mazda habang natatawa naman si Mclaren.
Sa aming grupo. Ako ang pinaka-mapagmatyag. Marami akong napapansin sa mga taong nakapaligid sa akin. Hindi nga lang kilos o pag uugali nila ang napapansin ko. Pati mga performance nila sa pangangarera kaya nga lahat sila may records sa akin. Bawat laban nila sa Death race ay mino-monitor ko. Kahit pa mayroon kaming staff na nag momonitor ng bawat performance namin.
Bakit ko ginagawa 'to? Wala lang. Trip ko lang suriin ang kakayahan nila sa pangangarera.
"Okay na yun kaysa naman sayo. Umabot ng 45 minutes bago matapos ang isang match." Pangangasar ni Mazda dito.
Nawala ang nakaka-asar na tawa ni Mclaren dahil sa narinig. Napailing nalang ako sa kanila.
Hindi na bago sa akin ang trato nila sa isat isa. Madalas silang away bati na akala mo mga bata. Parehas kasi silang medyo mayabang. Pero numero uno pa din talaga si Lambhorgini pagdating sa kayabangan.
"Dyan na nga kayo." Paalam ko at isinarado na ang laptop kong hawak. Tumayo ako sa sofa at dinampot sa lamesa ang backpack ko. Isinilid ko dun ang laptop tapos isinukbit ito sa kanang balikat ko.
"Maaga pa, Jag. Tara shot muna tayo." Pag aya ni Mazda.
"Sakto may bagong bukas na bar dyan sa malapit." Sabat ni Mclaren.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: JAGUAR
Novela JuvenilNang masaktan sa pag ibig si Jaguar. Ipinangako niyang hindi na siya magkakagusto ulit. Mag susumikap nalang siya sa pagtatrabaho bilang race driver sa Death Race. Kaya lang, muling nagpakita sa kanya ang dating nagugustuhan na si Cygnus Mugen na ki...
