"Nasaan tayo?" Agad kong tanong nang makababa kami sa kotse.
Seryoso kong tinitigan ang isang malaking mansyon na nasa harapan namin. Napansin ko sa paligid ang mga lalaking pawang naka-aligid na tila nagbabantay. Base sa mga suot nilang suit ay mukhang mga bodyguard sila.
"Sumunod ka." Rinig kong sabi ni Cygnus.
Nang makita ko siyang naglakad na paalis ay dali-dali akong sumunod. Pumasok kami sa nakabukas na main door ng mansyon. Napaawang ang bibig ko sa lawak at ganda nito ngayong nasa loob na ako.
"In fairness, yayamanin." Bulong ko.
Sanay naman ako makakita ng magandang mansyon. Dahil mayaman ang pamilya ko. Kaso lang, iba ang ambiance at aura nitong kinaroroonan namin ngayon.
Diretso lang na naglalakad si Cygnus habang ako ay tahimik na nakasunod pa din. May nakakasalubong nga kaming mga hindi kilalang lalaki na binabati siya. Pero tanging tango lang ang isinasagot niya sa mga ito. Hanggang sa huminto siya sa isang silid. Akmang bubuksan niya na ang pinto nang pigilan ko siya. Nakakunot noo siyang napatingin sa akin.
"Sasama pa ba ako dyan? Pwedeng hintayin nalang kita dito?"
Naisip ko kasi na baka mga importanteng tao ang kakausapin niya sa loob. Nakakahiya naman kung pati ako nandun. Wala naman akong kinalaman sa kung ano man ang pag uusapan nila.
"Sumama ka." Simpleng sagot nito na ikinatango ko nalang.
Pagbukas niya ng pinto ay naglakad kami papasok sa loob. Tumambad sa amin ang malawak na silid. Nang ituon ko ang aking tingin sa paligid ay nakita ko ang isang mahabang lamesa sa gitna kung saan may mga bakanteng upuan. Doon ay may lalaking prenteng nakaupo habang busy sa pagtipa ng kung ano sa cellphone niya. Sa di kalayuan naman ay may mahabang sofa at may nakaupong isa pang lalaki na nahuhulaan yata alalay nung isa.
Nataranta ako nang makitang naglakad palapit sa gitna si Cygnus. Dali-dali akong sumunod. Pagkalapit doon sa lamesa ay umupo siya sa isa sa mga bakanteng upuan na katapat nung lalaking hanggang ngayon busy pa din sa cellphone niya. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa likuran ni Cygnus dahil nakakahiya naman kung uupo nalang ako basta sa tabi niya.
"Hindi na mag rereply yan." Biglang sabi ni Cygnus dahilan para mag angat ng tingin yung katapat niya.
Napataas ang isang kilay nito.
"As if naman na umaasa ako sa reply?" Balik nito.
Natawa si Cygnus dahilan para matawa din ang kausap nito. Tila natulos ako sa aking kinatatayuan nang mapatingin ito sa akin.
"Sino yan? Bago mong tauhan?" Tanong nito kay Cygnus.
Mabilis na sumulyap sa akin si Cygnus sabay tango sa kausap. Bigla naman akong na consious dahil tinititigan ako nitong mabuti.
"Mukha siyang lampa." Komento nito.
Natawa si Cygnus sabay iling.
"Mukha lang. Pero malakas yan. Saka, magaling sa karera."
Nakita kong napataas na naman ang isang kilay nito.
"Karera? You mean, car racing?"
"Yep." Agad na sagot ni Cygnus dito.
Tila nagliwanag ang mga mata nung lalaki. Hindi naman ako nagsalita. Nanatili akong tahimik habang nakatitig dito. Sa kanyang itsura nahuhulaan kong mukhang Gangster Boss din ang isang tao. Yung aura niya kasi mala-Cygnus. Yung tipong mayabang pero may ibubuga.
"Oh, so ikaw si Jaguar ng Expedallion Crusader?" Tanong nito.
Napakurap kurap naman ako. Kilala niya ako? Meaning baka nagagawi ito sa Death Race. Baka VIP members na tulad ni Cygnus. Pero gayunpaman, hindi niya dapat alam na ako si Jaguar dahil confidential ang identity naming mga Expedallion Crusader sa mga customers ng Death Race. Bibihira ang mga nakakakilala sa pagmumukha namin.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: JAGUAR
Genç KurguNang masaktan sa pag ibig si Jaguar ay ipinangako niyang hindi na siya magkakagusto ulit. Mag susumikap nalang siya sa pagtatrabaho bilang race driver sa Death Race. Kaya lang, muling nagpakita sa kanya ang dating nagugustuhan na si Cygnus Mugen na...