CHAPTER 17

311 25 14
                                    

"Huwag kang tumawa." Nakasimangot kong saway kay Ruckus.

Napatango tango siya sabay tungga ng bottled water na hawak. Matapos niyang inumin yun ay ibinalik niya sa lamesa ang hawak tapos ay nakangising tumingin sa akin.

"Haba kasi ng buhok mo. Ligawan ka ba naman ng nag iisang Cygnus Mugen."

Inis kong sinipa ang lamesang pumapagitna sa aming dalawa dahilan para matawa na naman siya.

"Relax, Jaxon. Natutuwa lang ako sa effort ni Cygnus."

Hindi ako umimik. Iginala ko lang ang tingin ko sa paligid. Ngayon ay narito kami sa Cafeteria. Halos kami lang ang estudyanteng nandito ngayon dahil oras pa ng klase. Galing kasi kami ni Ruckus sa library.

Dahil mamaya pa naman ang sunod naming klase ay bakante kami ngayon. Kumbaga, may pahinga kami. Naisipan namin ni Ruckus na tumambay saglit dito sa Cafeteria para bumili ng tubig. Nauuhaw na daw kasi siya. Tapos ay nakuwento ko ang mga napag usapan namin kama-kailan ni Cygnus.

"Bakit ba parang hindi ka pabor sa plano niyang panliligaw sayo?" Biglang tanong ni Ruckus na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Hindi talaga. Dahil hindi naman ako babae para ligawan." Asar kong sabi.

Halos isang araw na ang nakalipas buhat ng mag usap kami ni Cygnus at mula nun ay hindi ko maiwasang maisip ang huling salitang binitiwan nito.

"Jax naman. Sa panahon ngayon, ang panliligaw ay hindi nalang para sa mga babae. Kahit anong gender pwede na yan. Isa pa, ang panliligaw ay isang legit na paraan para malaman mo kung malinis ang intensyon nung taong may gusto sayo."

Muli akong natahimik. Agad kong naiintindihan ang pinupunto niya.

"Pero, ang pangit kasi tignan."

Kumunot ang noo niya.

"Anong pangit dun?"

Ngumiwi ako at kinamot ang kanang kilay ko.

"Dahil pareho kayong lalaki?" Pahabol niyang tanong.

Tumango ako.

"Hindi pa ako tuluyang lumalantad sa madla na Gay ako. Kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa plano ni Cygnus. Tingin mo ba hindi ma-aapektuhan ang popularidad ko sa Death Race? Baka wala ng pumusta sa akin dun." Paliwanag ko.

Aware ako na maraming homophobic sa bansang 'to. At para sa tulad kong isa sa mga sikat na racer sa Death Race. Mahalaga para sa amin ang popularity at malinis na pangalan para makahatak ng mga manunuod na pupusta. Once na makarating sa kanila na bakla ako. Sure akong karamihan sa kanila ay negatibo agad ang magiging opinyon about sa akin.

"Ah, gets ko na."

Napasimangot ako.

"Talaga lang, 'ah." Sabi ko na ikinangiti niya.

"Gets ko na hindi ka pa ready na ipaalam sa lahat dahilan para matakot kang tanggapin si Cygnus. Tama ba?"

Napakurap kurap ako sabay dahan dahang tumango. Nakakabwisit man aminin pero kagabi ko lang na napagtanto na tama si Ruckus. Gusto ko pa nga si Cygnus. Sadyang natatakot lang talaga ako na masaktan nito. Bukod dun, takot din ako sa sasabihin ng iba.

Nakakatawang isipin na dati wala akong pakialam kahit malaman ng lahat na nagkagusto ako sa lalaki.

Pero ngayon, hindi na.

"Advice lang, Jax. Literal na seryoso si Cygnus sayo. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Ang mahalaga sa kanya na maipakita sayo na gusto ka talaga niya. Gusto niyang papasukin mo siya ulit sa buhay mo. Kaya siya desididong ligawan ka. Ang ganung tao ang dapat binibigyan ng chance. Kung hindi mo pa kayang manindigan sa feelings mo. Hayaan mo siyang manindigan para sayo." Mahaba nitong litanya.

Expedallion Crusader: JAGUARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon