CHAPTER 10

216 10 0
                                    

Kung pwede lang manapak ngayon ay ginawa ko na. Nayayamot pa naman ako sa pagmumukha ng Ungas na nasa tapat ko.

"Nakikinig ka ba, Jaxon?" Biglang pagbasag ni Boss Cosimo ng katahimikan.

Napaayos ako ng upo at napatitig dito.

"Pakiulit nga Boss?"

Sumeryoso ang mukha niya bago umiling. Peke naman akong ngumiti.

"Suspended ka sa Death Race kaya hindi ka kasama sa lalaban ngayong gabi." Anunsyo nito.

"Suspended? Ako? Bakit?" Nagtataka kong tanong.

Hindi ko mapigilang kabahan ng makitang nagsalubong ang mga kilay niya.

"Siguro naman alam mo ang dahilan kung bakit?"

Hindi ako nakasagot. Bigla akong nahiya at napayuko. Pumasok sa isip ko ang ginawa kong pakikipagkarera kay Cygnus nung nakaraang gabi. Inaasahan ko namang malalaman niya agad ang tungkol dun. Pero hindi yung ganito kabilis.

"About that, sorry. Mukhang may kasalanan din ako." Sabat ni Cygnus dahilan para mag angat ako ng tingin dito.

"Ungas ka! Nagsumbong ka?" Singhal ko.

Ngumisi sa akin ang Ungas dahilan para mapapadyak ako sa inis. Balak ko sana itong sugurin para sapakin kahit sa mukha lang. Pero hindi ko na ginawa lalo na at seryosong nakatitig si Boss Cosimo sa akin. Napalunok naman ako at ikinalma ang sarili.

"Jaguar." Tawag ni Boss sa akin na tila nagbabanta. Natigilan ako tapos ay ngumiwi.

"Pasensya na, Boss." Paghingi ko ng tawad.

Umiling si Boss Cosimo. Halata ko sa mukha niya ang pagkadismaya dahil sa nagawa ko. Since pumasok ako dito sa Death Race ay palagi akong nagpapa-good shot sa kanya. Yung tipong bait-baitan na akala mo hindi makabasag pinggan.

Pero ngayon. Nadungisan ang pangalan ko.

"Mabalik tayo sa usapan kanina. Suspended ka sa Death Race. Iyon ay sa kadahilanang nilabag mo ang isa sa rules ko. Alam mo ang punishment sa mga lumalabag." Pagpapatuloy ni Boss Cosimo.

Magalang akong tumango bilang pag-intindi.

"Good. Dahil suspended ka ng one month. May proposal na minungkahi si Cygnus Mugen sa akin."

Napakurap kurap ako.

"One month?" Tanong ko.

"Yes. One month."

Mahigit pitong segundo rin yata ang lumipas bago ko na realized iyon.

"One month!" Gulat kong bulalas.

"Paulit ulit? Bingi ka ba?" Sarkastikong tanong ni Boss Cosimo.

Mabilis akong umiling.

"Sorry, Boss. Sabi ko nga narinig ko." Sabi ko nalang at pekeng ngumiti.

Nang sulyapan ko si Cygnus at nanatili ang ngisi nito kaya sinimangutan ko siya.

Sa nakikita ko ay mukhang pinagplanuhan ito ng Ungas. Siya siguro nag suggest kay Boss Cosimo na suspendihin ako ng isang buwan. Dahil kung pagbabasehan ang rules and regulations ng Death Race. Dapat dalawang linggo lang ang parusa ko. Pero hindi. Naging isang buwan.

"Uulitin ko, Jaguar. Dahil suspended ka ng isang buwan. May proposal si Cygnus na agad kong tinanggap." Paliwanag ni Boss Cosimo at tumitig sa Ungas na katabi niya.

"Anong proposal naman yun?" Nakakunot noo kong tanong.

Hindi naman siguro Marriage proposal? O death proposal?

Expedallion Crusader: JAGUARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon