CHAPTER 6

324 16 0
                                        

"Kailan mo pa 'ko naging crush?" Tanong ni Chevrolet bago inakbayan ako.

Siniko ko siya sa tagiliran dahilan para mapabitaw siya sa akin. Umusog ako palayo sa kanya. Pero lumapit ulit siya sa akin at siniksik ako kahit pa napaka-lawak naman nitong sofa na kinauupuan namin.

"Lumayo ka nga sa akin. Babangasan ko yang mukha mo." Banta ko.

"Sus, kunwari ka pa. Dati ko nang napapansin na may pagnanasa ka sa akin."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito. Handa ko na sana siyang sapakin nang pareho kaming matigilan dahil may unan na tumama sa mukha niya. Paglingon ko, nakita ko si Lambo na prenteng nakaupo sa kabilang sofa.

"Tan-tanan mo nga yang si Jaguar. Hindi lahat ng lalaki, trip niyan." Pag aawat niya kay Chevrolet.

Natawa ito at tumayo. Lumipat siya sa tabi ni Lambo na busy sa kanyang cellphone.

"Joke lang naman, 'eh. Ang sarap niya kasing asarin." Sabi nito na siyang ikinasimangot ko.

Plano ko na sanang umuwi sa HQ para matulog tutal tapos naman na ang match ko. Kaya lang, hindi ako mapakali. Iniisip ko kung kakausapin ko ba si Miss Karin.

Iyon nga lang, sa pagkaka-alam ko. Busy pa ito kaya maghihintay nalang ako.

Balak ko kasing ipag-paalam sa kanya ang gagawin kong pakikipag-karera kay Cygnus. Mas mabuting sabihin ko ito sa kanya kaysa sa iba niya pa malaman. At least, honest ako. Pero nagdadalawang isip pa ako dahil kahit magpaalam ako. Alam kong parurusahan niya pa din ako.

"So may gusto ka sa leader ng Mugen Gang?" Panibagong tanong ni Chevrolet.

Hindi ako sumagot. Sandali kong pinasadahan ng tingin ang paligid. Kaming tatlo ang tao dito sa waiting room. Ang iba naming kasamahan ay nasa circuit pa dahil hindi pa naman tapos ang lahat ng karera ngayong gabi.

"Huwag kang mahiya. Nahulaan ko na dati pa na may something sa inyo. Lalo na at itsinismis ni Lotus na childhood friends kayo." Dagdag pa nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong.

Nakita kong papalit palit ang tingin ni Lambo sa aming dalawa.

"Simula nang mapabilang sa VIP members ang isang 'yon. Nahulaan ko agad na may hidden agenda yun sa pagsipsip sa Boss natin."

"At anong hidden agenda yun?" Sabat na tanong ni Lambo.

Ngumisi ito sabay dekwatro pa ng upo.

"Iyon ay ang mapalapit kay Jaguar." Sagot ni Chevrolet bago inginuso pa ako.

Ngumiwi ako at umiwas ng tingin sa kanya.

Ang labo.

"Teka, di ko gets? Ang something na tinutukoy mo ay ang pagiging childhood friend nila o iba pa?" Usisa ni Lambo.

Sumimangot ang mukha ni Chevrolet.

"Malamang, iba pa."

Gusto kong matawa sa pag uusap nila. Sanay na sanay silang maki-tsismis talaga sa buhay ng iba.

"Gets mo na?" Tanong ni Chevrolet sa pinsan na hindi inaalis ang tingin sa akin. Napatango tango si Lambo.

"What?" Tanong ko bago sumimangot.

Hindi sila sumagot. Sabay silang tumayo sa kinauupuan nila at lumapit sa akin. Umupo sila sa magkabilang gilid ko kaya ngayon ay napapagitnaan nila ako.

"Umamin ka nga. May gusto sayo si Cygnus, 'diba?" Si Lambo na bakas sa mukha ang kuryusidad.

"Oh baka naman ikaw ang may gusto sa kanya?" Segunda naman ni Chevrolet.

Expedallion Crusader: JAGUARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon