CHAPTER 7

165 12 0
                                    

Alas dyes na ng umaga pero nakahilata pa ako dito sa kama. Dapat sa mga oras na ito ay nasa school na ako at nag aaral. May pasok kami ngayon kahit sabado.

Pero hindi ako pumasok.

Nandito ako sa HQ. Nakahiga at nakatulala na parang baliw. Kanina pa ako tahimik at nakatitig lang sa kawalan.

Tinatamad kasi ako.

Wala akong ganang kumilos ngayon. Ni hindi nga ako nakakaramdam ng gutom. Mas gusto ko nalang munang mahiga at buong maghapong walang gawin.

Kasalanan ito ni Vester.

Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa pang e-eskandalo niya sa Cafeteria kahapon. Ang ending, hindi ako nakapasok ngayong araw.

Kainis talaga.

Kaya ko naman sanan siyang sapakin ulit tulad ng ginawa ko noon pero hindi ko nagawa kahapon dahil sa mga taong nasa paligid. Pinangunahan ako ng takot.

Takot dahil sa nakikita kong reaksyon nila matapos ngang marinig ang sinabi ni Vester.

Nang tumuntong ako sa edad na bente uno. Sabi ko sa sarili ko. Kahit ano man ang sabihin ng iba kapag nalaman nilang Gay ako. Hahayaan ko lang. Tatanggapin ko. Gaaano ito man kasakit kapag narinig ko na. Magiging open minded ako kasi alam kong marami sa mundo ang walang utak.

Pero parang hindi ko pala kaya yun. Tulad ng nangyari kahapon. Hindi ko pa naman totally narinig ang magiging komento nila ay tumakbo na ako sa labis na hiya at takot.

Buti sana kung mga kasamahan ko sila sa Expedallion Crusader na maiintindihan ako kahit paano.

Kaso hindi 'eh.

Inis akong napabangon sa kama at nag indian seat ng upo. Kasabay nun ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Sakto namang nandito lang ito sa gilid ng unan ko. Nang damputin ko ito ay nakita ko sa screen ang sunod-sunod na text ni Ruckus.

- Nasaan ka na?

- Bakit hindi ka pumasok?

- Ayos ka lang ba talaga?

- Ang gagong mga tropa ni Vester ipinost pa sa social media yung nangyari kahapon sa Cafeteria.

- Check mo sa social media account mo. Ginagawan ka nila ng issue.

- Bro, mag reply ka naman sa text at chat namin.

- Bro!

Napabuga ako ng hangin matapos kong mabasa ito. Ngayong nabanggit niya ang tungkol sa social media. Mas lalong wala akong ganang hindi tignan kung ano man ang nandun tungkol sa akin.

Nakaka-down naman talaga. Bwisit.

Maya-maya pa ay napapitlag sa gulat nang makitang tumatawag na si Ruckus. Agad ko naman itong sinagot.

"Hello?" Walang gana kong bati.

"Bro."

Napatango ako sabay sulyap sa wall clock na nandito sa kwarto ko. Nakita kong ilang minuto nalang pala ay mag alas onse na.

"Dalhin mo nalang yung bag ko bukas sa meeting place natin. Sorry kung hindi na ako bumalik."

Matapos nga ang eksena sa Cafeteria kahapon ay diretso na akong umuwi dito sa HQ. Naiwan ko tuloy yung bag ko at hindi na ako nakapasok sa iba pang klase ko.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko mula kagabi. Ayos ka lang ba? Alam kong malungkot ka."

Muli akong napabuga ng hangin. Bakas ko sa boses niya ang sinseridad.

Expedallion Crusader: JAGUARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon