CHAPTER 1

289 16 1
                                    

Nakangisi kong pinasadahan ng tingin ang tatlong kotse kong kasalukuyang nandito sa pribadong garahe namin sa Death Race HQ. Katatapos lang itong linisin ng mga staff. Sakto namang aalis ako at gagamitin ko ang isa sa mga ito.

May nakalaan na staff ang Death Race para sa maglilinis at mag i-inspect if ever may sira ang sasakyan naming mga taga-Expedallion Crusader. Usually, araw-araw nila itong ginagawa upang mapanatili ang magandang takbo nito lalo na kapag sinabak na namin sa race.

Sa siyam na miyembro ng Expedallion Crusader. Si Lamborghini, Mclaren, Maserati, Lotus at Ford ang may pinaka-maraming sasakyan na narito sa HQ. Anim lang naman ang mga ito. Habang ako, si Chevrolet, Mazda ay may tig-apat hanggang lima. Kay Bugatti naman ay isa.

Wala akong ideya kung ilan talaga ang lahat ng sasakyan ng kapwa ko miyembro. Basta yung mga nandito lang sa HQ ang nabibilang ko dahil ang mga iyon ang madalas nilang gamitin.

Pero alam ko namang may iba pa silang kotseng tinatago na naka-garahe lang sa mga sarili nilang bahay. Like me. Sa mansyon namin ay may tatlo pa ako.

Tanging tatlo lang ang ginagamit ko madalas sa bawat match ko.

Jaguar C-X75
Jaguar F-type
Jaguar XF
Jaguar F- PACE

Sa anim na sasakyan ko. Apat doon ay Jaguar ang brand. Habang yung dalawa ay ferrari at chevrolet.

Since nahilig ako sa sports car ay Jaguar talaga ang nagustuhan ko dahilan para ito ang ibigay na Code name sa akin ni Boss Cosimo.

Hindi ko alam kung kailan ako nahilig sa mga sasakyan at sa pangangarera nito. Basta nang mag binata ako ay naisipan kong bumili ng sports car tutal may pera naman ako galing kay Dad.

So far, enjoy ko naman.

"Sir, Jaguar?" Tawag ng kung sino.

Napatuwid ako ng tayo at tinitigan ang isa sa staff na nasa tapat ko.

"Tapos na ba?"

Tumango ito at nilingon ang Jaguar C-X75 at Jaguar F-type kong naka-parada sa malapit.

"Good." Sabi ko lang at naglakad palapit doon.

Umalis naman na ang staff at naiwan akong mag isa dito sa malawak na garahe naming mga taga-Expedallion Crusader. Sandali akong napaisip at napatingin sa wrist watch kong suot. Pasado alas syete palang ng umaga. Dahil medyo malayo ang school na pinapasukan ko dito sa Lankford City ay kailangan kong umalis ng maaga.

Lalapitan ko na sana ang Jaguar F-type ko nang matigilan ako dahil natanaw ko si Ford na naglalakad palapit sa akin. Peke akong ngumiti dito.

"Good morning, Jaguar." Bati nito.

Huminto ito sa tapat ko. Agad kong napansin na bihis na bihis siya. Iyong tipong akala mo dadalo sa party.

Naka-dress pa ang Gaga.

"Wala kang klase ngayon?" Naisip kong itanong.

"Hindi ako papasok."

Napataas ang isang kilay ko na siyang ikinatawa naman niya.

"Don't worry, ga-graduate naman ako. Takot ko lang masermunan ni Miss Karin."

Napatango nalang ako bilang tugon.

Alam naming siyam kung paano magalit si Miss Karin kaya dapat umayos kami sa mga kilos namin at desisyon sa buhay.

"Ikaw ba, papasok ka na?"

"Yeah, may klase ako ng alas nwebe. Aagahan ko lang dahil baka ma-traffic ako."

Expedallion Crusader: JAGUARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon