"Kaibigan ko lang si Angel." Iyan ang bungad ni Cygnus sa akin.
Peke akong ngumiti sa kanya.
"Pakialam ko."
Napabuga siya ng hangin bago lumapit sa akin. Hindi na ako nakagalaw pa dahil dun. Ngayon ay halos maduling na ako sa mukha niya.
"Kilala kita. Alam ko agad ang pumapasok sa isip mo."
Inis akong umatras palayo.
"Kahit girlfriend o asawa mo pa siya. Wala akong pakialam. Buhay nyo yan." Sabi ko sabay sulyap sa Coffee shop na pinasukan ni Haruto at Angel kanina lang.
Pinauna ni Cygnus sa loob yung dalawa kaya heto kausap niya ako ngayon. Dapat talaga uuwi na ako. Pero gusto daw akong makausap ng Ungas na ito.
"Ngayon kung wala ka ng sasabihin. Uuwi na ko." Dagdag ko pa at tinalikuran na siya.
Lalakad na sana ako para umalis pero hindi ko nagawa nang hawakan niya ang kanang kamay ko kaya natigilan ako. Mabilis akong napaharap sa kanya at pilit bumibitaw sa pagkakahawak niya.
"Bakit kayo magkasama ni Angel?"
"Nagkita lang kami sa mall. Hindi ko alam na kakilala mo pala siya." Agad kong sagot at muling pinilit na tabigin ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
Galing ng coincidence na yan.
"Ah, ganun ba."
"Oo, ganun nga."
Binitiwan niya ang kamay ko dahilan para makahinga ako nang maluwag.
"Ayos ka lang ba talaga?"
Kumunot ang noo ko. Siya naman ay ngumiti na hindi ko alam kung totoo ba o peke.
"Wala ka talagang sakit?" Sige pa niyang tanong.
"Sinagot ko na yan, 'diba? Wala nga akong sakit. Ayos lang ako."
Napatango siya. May bigla naman akong naalala.
"Ginulpi mo daw si Vester? Binalita sa akin ni Ruckus."
Ngayon ay gusto kong marinig ang kwento mula mismo sa kanya.
"Yeah, tama lang yun sa kanya."
"Bakit mo ginawa yun?"
Imbes na sumagot. Nakatitig lang siya sa akin.
"Kung ginawa mo yun para maipaghiganti ako. Thank you, pero nonsense lang. Dahil hindi naman siya titigil. Uulitin niya lang ulit yun." Litanya ko pa.
Kung kilala ko si Cygnus. Kilala ko din si Vester. Alam kong malaki na ang galit sa akin ng Ungas na 'yon. Hindi siya basta papayag na maka-graduate ako sa school nang hindi niya na bu-bully.
"No. Hindi niya na uulitin yun. Kung ulitin man niya. Akong bahala."
Kitang kita ko ang pag kuyom niya sa kanyang mga kamao na tila ready siyang iligpit na naman si Vester.
"Tigilan mo nga yan."
"Ang alin?" Inosente niyang tanong habang nakatitig sa akin.
Napaiwas naman ako ng tingin dahil may kakaiba sa kanya. Hindi ko alam pero iba ang aura niya ngayon kumpara noon.
"Kalat na sa buong school ang tungkol sa pagiging magkaibigan natin noon. Bukod dun, alam na din ng lahat na nagkagusto ako sayo at nireject mo 'ko."
"So?" Rinig kong tanong niya.
Asar akong bumaling ulit ng tingin sa kanya.
"Anong so? Baliw ka ba? Ngayong ginulpi mo si Vester. Iiisipin ng lahat na kaya mo yun ginawa dahil affected ka sa nangyari sa akin."
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: JAGUAR
Fiksi RemajaNang masaktan sa pag ibig si Jaguar. Ipinangako niyang hindi na siya magkakagusto ulit. Mag susumikap nalang siya sa pagtatrabaho bilang race driver sa Death Race. Kaya lang, muling nagpakita sa kanya ang dating nagugustuhan na si Cygnus Mugen na ki...
