CHAPTER 15

213 11 2
                                    


Tulala ako habang walang patid sa kasasalita ang Professor naming nasa unahan. Hindi ko tuloy mapigilang mapahikab. Nakakabored kasi. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong tila nawawalan ako ng gana sa pag aaral.

Hindi ko alam kung bakit.

Pero gayunpaman, mabilis kong iwinawaksi ang katamaran. Alam kong once na mapabayaan ko ang pag aaral ko, sure akong sesermunan ni Miss Karin kapag bumalik na ako sa Death Race.

So, dapat magsipag ako.

Umayos ako nang pagkakaupo at tinitigan ang white board kung saan marami ng nakasulat. Nang mapatingin ako sa notebook kong blangko ay saka ko na realized na hindi pa pala ako nagsusulat dala ng lumilipad nga ang isip ko kanina pa.

"Ganyan talaga kapag lutang." Rinig kong komento ni Ruckus na nasa kaliwang gilid ko.

Napatingin ako dito tapos ngumiwi.

"Kamusta ang one week mo sa poder ni Cygnus?" Tanong nito.

Ngayong nabanggit niya ang pananatili ko sa mansyon ni Cygnus. Saka ko naalala na mabilis na lumilipas ang mga araw at naka-isang linggo na nga ako kala Cygnus.

"Sakto lang." Sagot ko at muling itinuon tingin sa white board.

Nagsimula na akong magsulat bago pa ako mapagalitan ng prof namin. Hindi naman na nagsalita pa si Ruckus kaya nanahimik na din ako. Hanggang sa tumunog na ang bell hudyat tapos na ang una at huli naming klase sa araw na ito.

"Sports Fest na!" Sigaw ni Timothy nang makalabas ng classroom ang prof namin.

Sa kanyang sinabi ay sabay na natawa si Wenna at Elizeo. Habang si Blue at Ritsuka ay may sariling mundo sa kanilang kinauupuan. Seryoso namang pinapasok ni Mateo ang mga notebook niya sa kanyang bag.

"Excited ka, 'ah." Puna ni Ruckus kay Timotheo.

"Of course, isa ako sa members diba?"

Nakita kong napasimangot si Ruckus.

"Sige na. Mauna na ako. Basta 'ah, pumunta kayo sa mga sports na nakalista ang pangalan ninyo." Paalala nito bago naglakad na palabas ng classroom.

Two days gaganapin ang Sports Fest dito sa school. Which is thursday at Friday. Sa umaga ay magkaklase lang ng halos isang subject tapos nun ay wala na hanggang hapon. Naka-P.E uniform na nga kaming lahat maliban nalang pala kay Ruckus.

Kapag sinabing sports fest ay ibat ibang sports competation ang idadaos dito. Nandyan ang swimming, basketball, soccer, taekwando, tennis at iba pa. Bawat estudyante na mahilig sa sports o hindi ay obligadong sumali. Depende nalang kung may sakit or may medical history na bawal mapagod. Kapag ganun ay exempted ka.

Pero sa kaso namin ay walang exempted.

Kamalas-malasan lang na hindi ako mahilig sa sports. Pero dahil no choice ay syempre sasali ako. Isang sports nga lang ang sasalihan ko.

Pwede na yun.

Napili ko ang track and field dahil madali lang ito. Tatakbo lang ako. Si Ruckus naman ay sa swimming. Si Wenna at Elizeo ay sa double match para sa tennis. Si Blue ay sa soccer. Si Ritsuka sa judo. Lastly, si Mateo ay sa taekwando.

Si Timotheo na varsity player ng Basketball team ay sumali syempre sa basketball pero sa team ng mga taga-Mechanical Engineering dahil nga ayaw naming mga kaklase niya ang basketball. So, no choice siya kung hindi maki-team mate sa iba. Buti na nga lang hindi naman required na halos lahat ng sports ay salihan ng bawat estudyante dito. Basta kung ano lang trip mo. Dun ka. Ang mahalaga ay may partisipasyon ka sa event.

Expedallion Crusader: JAGUARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon