"Sure kang wala kang sakit?" Tanong ni Ruckus.
Tumango ako bilang sagot. Nanatili amg mga mata ko sa makina ng sasakyang nasa harapan namin.
"Ang putla mo kasi, Bro."
Ngumiwi ako at ibinaling naman ang tingin sa note book na hawak ko. Kasalukuyan kong sinusulat ang mga parte ng makina na kailangan kong pag aralan pa.
Nasa klase kami ngayon at itong si Ruckus ay walang patid sa kata-tanong sa akin bakit daw ako absent kahapon.
"Buti pumayag si Prof na tayo pa din ang partner."
Napabuga ako ng hangin sabay baling ng tingin kay Ruckus.
"Tama na ang daldal. Nasa klase tayo. Mag focus ka." Sabi ko.
Natawa ito sabay tango kaya laking pasalamat ko dahil na nahimik siya.
Ngayon ay nasa Automotive Electrical and electronics subject kami. Kahit naka-focus dito ang atensyon ko ay hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kahapon sapagitan namin ni Cygnus. Napagtanto kong medyo naging OA ako. To the point na parang feeling ko bida ako sa isang nobela. Yung palaban na hindi papayag na sinasaktan ng ganun lang.
Ang cringe pakinggan.
Pero sa kabilang banda. Ganun siguro nga ako. Ayokong masaktan. Ayoko din na sinasaktan ako.
Tangina. Sino bang may gusto nun?
Siguro sa reyalidad ay maraming taong martir. Tapos may dahilan bakit sila naging ganun. At isa sa dahilan na yun ay yung labis na pagmamahal sa isang tao. Masyado silang nabubulagan ng pag ibig kaya ang ending, nagagawa na nilang makalimutan ang sarili nila.
Buti hindi ako ganun.
Naniniwala nalang ako na sa future at makakahanap ako ng taong magugustuhan din ako pabalik.
"Jaxon!" Tawag ni Ruckus.
Nakakunot noo ko siyang tinignan.
"Oh?"
"Lunch break na. Tara."
Ngayon ko napansin na kaming dalawa nalang dito sa classroom. Naglabasan na pala ang mga kaklase namin.
Magkasabay kaming lumabas na. Binaybay namin ang daan patungo sa Cafeteria kung saan kami kakain ng lunch. Dahil nararamdaman kong kumakalam na ang sikmura ko ay sinabihan ko si Ruckus na magmadali sa paglalakad.
Five minutes na paglakad ay nakarating kami sa Cafeteria. Sakto at wala pang masyadong tao dahil kakaunti palang ang nasa loob at base sa mga unipormeng suot ng mga estudyanteng narito ay halos kakaunti lang ang galing sa Automotive Faculty. Apat lang yata kami.
Sino pa yung dalawa?
Namataan ko lang naman si Blue at Mateo na nasa bandang dulo nakapwesto. Tahimik silang kumakain. Nang igala ko pa ang tingin sa paligid ay napuna kong karamihan ng nandito sa Cafeteria ay mga Civil at Mechanical Engineering students. Hindi naman yun kataka taka dahil magkakatabi lang ang mga building namin.
Ang nalalayo lang ay ang mga taga- Architecture at Business Ad. Mayroon din namang Cafeteria na malapit sa building nila.
Dito kasi sa school ay halos dalawa lang ang Cafeteria pero pareho naman itong malawak at malaki na kayang umukupa ng maraming estudyante.
Nasa estudyante nalang ang desisyon kung saan nila gustong kumain kaya lang dahil nga malapit sa building ng Automotive Engineering itong pinuntahan namin ni Ruckus kaya dito kami madalas kumakain. Ganun din ang mga estudyanteng nasa Mechanical, Civil at Electrical Engineering. Buti na nga lang at hindi sabay-sabay ang oras ng lunch break namin kung hindi riot ito malamang.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: JAGUAR
TienerfictieNang masaktan sa pag ibig si Jaguar ay ipinangako niyang hindi na siya magkakagusto ulit. Mag susumikap nalang siya sa pagtatrabaho bilang race driver sa Death Race. Kaya lang, muling nagpakita sa kanya ang dating nagugustuhan na si Cygnus Mugen na...