CHAPTER 16

326 19 0
                                        

"Wala yata sa mood si Cygnus." Rinig kong sabi ni Ruckus.

Dahil dito ay napatingin ako sa basketball court kung saan nagaganap ang laro. Isa sa mga nandun si Cygnus na kanina pa yata mainit ang ulo dahil naka-dalawang foul na siya. Dalawang beses na nga bumagsak sa sahig yung nagbabantay sa kanya.

"Galit yata, Jax."

Napangiwi ako sabay tungga sa bote ng tubig na hawak ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa court. Matapos ang sinalihan naming match ay dito na kami dumiretso sa basketball gym upang panuorin ang game ni Timothy na kalaban nga ang team nila Cygnus. Kami palang dalawa ni Ruckus ang nandito. Inaasahan naming susunod dito sila Mateo pero hanggang ngayon ay wala pa ang mga ito

"Ano namang ikagagalit niya?" Inosente kong tanong matapos uminom.

Natawa si Ruckus kaya tumingin ako sa kanya habang nakakunot noo.

"Nakita niyang kausap mo si Riu kanina. Obviously, nagseselos siya. Gusto ka niya, remember?"

Hindi na ako umimik. Pinaglaruan ko sa kanang kamay ko ang walang laman na bote ng tubig tapos muling tumitig sa nagaganap na laro nila Cygnus.

"Ang OA nya naman kung yun ang dahilan. Nag uusap lang naman kami."

Naramdaman kong inakbayan ako ni Ruckus pero hindi ko na siya binalingan pa ng tingin. Nakatuon lang ang atensyon ko sa court lalo na at nahawakan na ni Cygnus ang bola.

"Go, go, go!" Sigaw ni Ruckus.

Kani-kaniyang sigaw na ang mga estudyanteng nanunuod ngayon dito. Kaya halos mabingi na yung mga tainga ko sa ingay.

"Alam mo, Bro. Nadadama ko namang gusto mo pa din si Cygnus. Natatakot ka lang na masaktan."

Natigilan ako sa narinig. Mukhang nababasa niya ang nasa isip ko.

"Hindi naman kita masisisi. Kaya lang, tulad ng paalala ko sayo siguro dapat ay pag isipan mong mabuti. Saan ka ba sasaya? Iyong kasama siya o hindi siya kasama? Isang buwan lang ang usapan ninyong pagtira mo sa mansyon niya. Pagtapos nun ay wala na." Pagpapatuloy niya.

Nanatili akong walang imik hanggang sa dumagundong na naman ang ingay sa buong paligid dahil nagawang maipasok ni Cygnus ang three point shot niya kaya lamang na sila ng tatlo.

57-60 na ang score.

"Kawawang Timothy. Tignan mo kanina pa nakasimangot." Itinuro pa ito ni Ruckus na kasalukuyang may dala ng bola.

Hindi ko naman mapigilang mapahikab. Nagsisimula na akong mabored lalo na at wala akong hilig sa basketball.

"Shit. Naagaw na naman ni Cygnus ang bola!" Sigaw ni Ruckus kaya tila nagising ang diwa ko.

Saktong pagtingin ko sa court ay nag jump shot si Cygnus at ang ending. Naipasok niya ang bola. Muling nagsigawan ang mga supporters nila.

Nagkatinginan nalang kami ni Ruckus nang marinig namin ang final buzzer hudyat na tapos na ang laban. Nang mapasulyap ako kay Cygnus ay nakangisi ito sa akin. Napasimangot nalang ako.

Patay na.

Nang matapos ang sports event ay saktong five pm at uwian na. Pagkabalik namin ni Ruckus sa classroom ay kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam na ako sa kanya dahil baka naghihintay na si Cygnus sa parking. Ayaw pa naman nun na pinaghihintay siya.

Pagkadating ko nga doon ay naabutan ko itong prenteng nakasandal sa kotse niya. Nakasuot na siya ng uniform samantalang ako, hindi ko na naisip magpalit pa ng damit.

Naka-P.E uniform pa din ako hanggang ngayon.

Nang maramdaman niya ang presensya ko. Tumuwid siya ng tayo habang nakangiti. Huminto naman ako sa tapat niya.

Expedallion Crusader: JAGUARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon