"Good morning." Nakangiti niyang bati nang makalapit ako.
Hindi ako umimik. Napatitig lang ako sa uniporme niyang halata mong plantsado. Kasi naman walang kagusot gusot. Samatalang sa akin, na plansta nga pero parang hindi naman halata.
"Akin na susi mo." Sabi ko at inilahad ang kanang kamay sa kanya.
Ngumisi siya bago dinukot sa bulsa ang hinihingi ko. Ibinigay niya ito na agad ko namang kinuha. Tahimik akong lumapit sa kotse niyang nasa tabi lang namin. Binuksan ko ang front door nito bago bumaling ng tingin sa kaniya.
"Sakay na kamahalan." Sarkastiko kong sabi sabay ngiti ng peke sa kanya.
Nanatili naman ang ngisi sa labi niya tapos naglakad na papasok sa loob ng kotse. Umikot naman ako patungo sa driver seat saka sumakay na din. Ibinaba ko sa gilid ko ang bag ko. Nang buhayin ko ang makina ay may bigla akong naalala.
"Nasaan si Haruto? Hindi ba palagi mo siyang kasabay?"
Ngumiti siya matapos ikabit sa kanyang sarili ang seat belt.
"May sarili siyang sasakyan. Hindi muna siya sasabay sa akin. Magkikita nalang kami sa school."
Napakunot noo ako. Parang nakakapagtaka naman yata. Sa pagkakatanda ko. Palagi niya itong kasabay. Pagpasok man o pag uwi. Ang alam ko pa nga, may dalawa pa siyang tauhan na nag aaral din sa school namin. Hindi lang ako sure kung kaklase niya din ito tulad ni Haruto.
"Bilisan mo na, Jax. Male-late na tayo." Sabi niya kaya napatango ako.
Akmang hahawakan ko na ang manibela nang matigilan ako dahil bigla niyang hinawakan ang kanang balikat ko.
"What?"
Ngumuso siya sabay iling.
"Naturingan na race driver ka pero hindi ka nagsusuot ng seat belt."
Dahil dun ay napatingin ako sa sarili ko. Nakita kong hindi ko pa pala naikakabit ang seat belt sa katawan ko. Kukunin ko palang sana ito nang agawin ng Ungas.
"Ako na." Pagkukusa niya.
Napangiwi ako nang makitang bahagya niyang inilapit ang sarili niya sa akin dahilan para kabahan ako at mailang. Amoy ko na naman ang pabango niyang nanapak sa tapang.
Nang maikabit ang seat belt ay nakasimangot ko siyang tinulak palayo.
"Masyado kang malapit." Puna ko.
Napahalakhak siya at umayos na nang pagkakaupo. Iiling iling na pina-andar ko naman na ang kotse niya palabas ng kanyang mansyon.
Nang makarating kami sa highway ay panay ang tipa niya sa kanyang cellphone. Nahuhulaan kong mukhang seryoso siya sa pakikipag usap sa kung sino.
"Shit. Meeting na naman." Bulalas niya.
"Ang dami mong reklamo kung importante bakit hindi mo puntahan." Komento ko na nanatili ang tingin sa daan.
Alam kong tungkol sa pagiging Lider ng Mugen Gang ang tinutukoy niya.
"Yeah, I know. Kaso naiirita ako sa pagmumukha ng mga kasama ko dun."
Hindi na ako umimik pa. Seryoso ko nalang itinuon ang atensyon ko sa pagmamaneho. Ilang segundo pa ay napansin ko si Cygnus na nanahimik. Nang sulyapan ko siya. Nakatitig pala siya sa akin habang nakangisi.
"Huwag mo nga akong tignan. Uupakan kita." Banta ko.
"Nothing. Natutuwa lang ako. Ngayon lang kita nakita nang malapitan habang nagmamaneho. Mas maganda siguro kung nasa actual race ka."
Ngayong nabanggit niya yun ay bigla ko na namang namiss ang pangangarera.
"Of course, nag iibang tao ako kapag nangangarera ako. Mas nagiging seryoso lalo na at hindi ako pwedeng matalo."
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: JAGUAR
Teen FictionNang masaktan sa pag ibig si Jaguar. Ipinangako niyang hindi na siya magkakagusto ulit. Mag susumikap nalang siya sa pagtatrabaho bilang race driver sa Death Race. Kaya lang, muling nagpakita sa kanya ang dating nagugustuhan na si Cygnus Mugen na ki...
