CHAPTER 12

336 17 3
                                        

Napabuga ako ng hangin habang nakatitig sa kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Dito ako dinala ni Haruto. Ito daw ang magiging kwarto ko habang nandito ako sa kanila.

In fairness, hindi na masama. Simple lang ang disenyo pero maganda naman. Pasok sa taste ko.

"Ipapatawag ka namin kapag ready na ang dinner." Biglang sabi ni Haruto na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Binalingan ko siya ng tingin sabay tango bilang tugon. Ngumiti naman siya dahilan para makita ko ang lalong pagsingkit ng kanyang mga mata.

"Welcome pala sa Mugen Family. Sure akong mag e-enjoy ka dito." Patuloy nito.

Peke akong ngumiti sa kanya.

"Sana lang."

Bahagya siyang natawa bago tumalikod na at lumakad palabas ng silid. Muli akong bumuga ng hangin tapos napatitig sa bagahe kong nandito sa gilid ng kama.

Napapitlag ako sa gulat nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Nang kunin ko ito sa bulsa ng suot kong pants. Literal na napangiwi ako dahil sa pangalan ng tumatawag.

Si Lotus.

"Anong problema mo?" Bungad kong tanong.

"Yo." Bati nito.

Napasimangot ako.

"Napatawag ka?"

Dahil nangangalay na ang mga binti ko. Naisipan kong maupo sa kama.

"Sayang hindi kita naabutan. Umalis ka na daw dito sa HQ?"

"Oo, bakit?"

Gamit ang isang kamay ay hinimas himas ko ang malambot na kama. Sobrang lambot ng kutson nito kumpara sa kama ko sa HQ.

Ano kayang brand nito?

"Syempre magpapa-alam ako sayo. Mamimiss kaya kita." Rinig kong sabi ni Lotus sabay tawa.

Nanatili ang simangot sa mukha ko dahil sa iritasyon. Halata sa tawa niyang hindi siya seryoso sa sinabi niyang mamimiss niya daw ako.

"Kung tinawagan mo ko parang maangasar. Pwes, tantanan mo 'ko. Naniningkit mata ko sayo, 'eh."

Muli na naman tumawa ang Ungas ahilan para mapailing nalang ako.

"Joke lang. Ang main reason kaya kita tinawagan ay dahil may itsi-tsismis ako sayo."

Napataas ang isang kilay ko dahil dun.

"Tungkol saan?"

"Ngayon ay nakatanggap kami ng message kay Miss Karin. May emergency meeting mamaya."

"Meeting? Para saan?"

Nakarinig ako ng ilang ingay sa kabilang linya

"Hindi ako sure pero ayon sa hula ni Mazda. About daw sa malaking pagbabagong sa Death Race."

Kumunot ang noo ko.

"Ang daya. Bakit ngayon kayo mag me-meeting kung kailan wala ako?"

Alam ko na naman ang tungkol dun. Pero hindi ko ine-expected na mangyayari yun agad.

"I don't know. Pero malaki ang posibilidad nga na tama ng hula sila Mazda na palalawakin ni Boss Cosimo ang grupo natin. To make it short, mag da-dagdag siya ng drivers."

Napatulala ako sa narinig. Bigla akong nawalan ng gana.

"Namataan ni Mclaren na dumadami yung mga minions ni Boss Cosimo. Base sa mga aura nito. Mukhang mga racers din ito. Tingin ko, balak ka na yatang palitan, Jaguar." Sabi pa nito.

Expedallion Crusader: JAGUARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon