CHAPTER 3

347 16 0
                                        

Malamig naman dito sa lugar na kinaroroonan ko pero pinagpapawisan ako. Siguro sa kaba dahil nasa tapat ko ang mokong na si Cygnus. Kung hindi ba naman kasi engot itong si Lotus at tinawag pa ang grupo nito para sumalo sa amin.

Kairita.

Ngayon hindi tuloy ako kumportable. Feeling ko hindi ako makahinga.

"Cheers!" Sigaw ni Mclaren at itinaas ang baso nitong hawak.

"Cheers!" Pagsunod ng mga kasama namin.

Habang sila nagkakasayahan. Ako, tahimik lang dito sa kinauupuan ko habang patuloy na umiinom. Tinungga ko nga ang basong hawak ko. Agad kong naramdaman na uminit ang alak sa lalamunan ko. Saktong pag angat ko ng tingin. Nakita ko si Cygnus na nakatingin sa akin. Kung hindi pa siya sikuhin ni Haruto ay hindi siya matatauhan.

"What?" Tanong nito sa katabi.

Magkakatabi silang apat sa kabilang sofa. Habang ako, si Lotus, Mclaren at Mazda naman ang magkakatabi. Buti na nga lang mahaba ang mga sofa nila dito sa VIP area kaya hindi kami nagsisiksikan.

"May tinatanong si Mazda." Sagot ni Haruto at inginuso si Mazda na nakaupo sa bandang dulo.

Bumaling ng tingin dito sa Cygnus. Malapad namang ngumiti si Mazda sa kanya.

"Ang sabi ko, anong dahilan at napapunta ka sa Building namin? Anong pinag mi-meetingan nyo ni Boss Cosimo?"

Ang tinutukoy niya ay yung isang araw na nagpunta daw itong si Cygnus sa lugar namin.

"Sorry. Confidential yun, Bro." Nakangising sagot ni Cygnus.

Napailing si Mazda. Obvious naman na hindi talaga nito sasabihin ang totoo.

"Sana something good yan." Sabat ni Lotus.

Napatingin sa kanya yung dalawa pang alalay ni Cygnus.

"Bakit naman?" Nakakunot noo na tanong nung katabi ni Haruto. Yung isa namang na nasa tabi nila ay tahimik lang nakamasid.

"Sana for partnership? Kasi naman nakakasawa nang makita ang mukha ng mga ito." Itinuro pa ni Lotus kaming mga kasamahan niya.

Napasimangot si Mclaren. Si Mazda natatawa lang. Ako naman ay walang pakialam at sige lang sa pag lagay ng alak sa baso ko. Tapos diresto ko itong iinumin. Sa ilang minuto ay naramdaman kong medyo nahihilo na ko.

"Ngayon ko lang nalaman na marunong ka na palang uminom." Rinig kong sabi ni Cygnus kaya napatingin akong muli dito.

Nakita kong seryoso ang aura nito habang naka-dekwatro pa ng upo.

"Bakit hindi ba siya ganyan dati?" Tanong nung aalalay niya sa kanya at inginuso pa ako.

Bahagyang natawa naman si Haruto. Habang yung isa pa nilang kasama ay sinulyapan ako.

Ngumisi si Cygnus bago umiling. Literal na padabog kong ibinagsak sa lamesa ang basong hawak ko kaya natigilan silang lahat. Gayunpaman, hindi ito gaanong naglikha ng ingay sa buong paligid dahil maingay naman dito sa Bar kinaroroonan namin.

"Huwag kang masalita na para bang kilalang kilala mo 'ko." Sabi ko habang magkasalubong ang kilay.

Alam kong may tama na ko ng alak pero tuwid pa din akong nakakapagsalita at nakakapag isip.

Ewan ko nalang mamaya.

"Talagang namang kilala ka niya, Jaguar. Hindi ba magkababata kayo?" Sabat ni Lotus kaya sinamaan ko ito ng tingin.

Nakita kong hindi man lang nagulat si Mclaren at Mazda sa narinig mula kay Lotus. Pati ang mga kasamahan ni Cygnus. Ang titig na pinupukol nila sa akin ay tila pangangasar na siyang ikinailing ko. Mukhang alam nilang lahat kung anong naging ka-ugnayan namin ni Cygnus noon.

Expedallion Crusader: JAGUARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon