"Wala ka bang gana, Bro?" Rinig kong tanong ni Ruckus.
Tumango ako habang nanatili ang tingin sa pagkaing binili ko. Hindi naman ito ganun karami pero hindi ko magawang ubusin. Wala nga akong gana. Kumbaga, tinatamad akong kumain.
Kasalanan ni Cygnus 'to.
Mamayang gabi ay sa pamamahay na nito ako titira kaya kinakabahan ako.
Iisipin ko palang na hindi ako makakatapak ng isang buwan sa race track ng Death Race ay para na akong nanghihina. Iyon na ang naging sentro ng buhay ko ngayon kaya mahirap sa akin na basta nalang itong kalimutan kahit pa saglit lang.
Kasalanan ko din naman kasi.
Napabuga ako ng hangin sabay himas ng batok ko. Mas mabuti pang tanggapin ko nalang nang maluwag na suspended ako kaysa mag emote pa ako ngayon. Tutal wala naman na akong magagawa. Dapat akong sumunod.
"Jaxon." Tawag ni Mateo kaya nag angat ako ng tingin dito.
Nakita ko siyang seryosong nakatitig sa akin. Nakaupo siya sa kabilang bahagi ng lamesa. Napapagitnaan siya ni Blue, Ritsuka, at Timotheo. Ako naman katabi si Ruckus, Wenna at ang maingay na si Elizeo.
"Para kang may sakit?" Puna naman ni Blue.
Bahagyang natawa si Ritsuka dito.
"Paanong hindi ga-ganyan ang itsura niyan. Ikaw ba namang ma-suspended sa work tapos maging alila pa ni Cygnus Mugen. Oh, 'diba? Double black eye ang nangyari."
Hindi ako umimik sa sinabi nito. Kanina bago pa kami makarating sa Cafeteria ay ikuwento ko na sa kanila ang magiging set up ng pagiging alila ko kay Cygnus. Bukod dun, na ikwento ko nga din na suspended ako sa trabaho.
Hindi naman na lingid sa kaalaman nila na sa Death Race ako nag ta-trabaho. Dahil hindi sila masyadong pamilyar doon. Hindi na nila ako inuusisa pa. Basta ang alam nila ay race driver ako.
Buti na nga lang, dito sa school wala silang pakialam sa Death Race na sikat sa mga mahihilig sa karera ng sasakyan. Siguro dahil halos karamihan sa mga estudyante dito ay walang hilig dun kaya safe ang identity ko bilang si Jaguar.
"Nakaka-guilty tuloy." Komento ni Timotheo sabay buntong hininga.
Umiling ako dito.
"Huwag nyo nga akong kaawaan. As if naman na mahihirapan ako sa pang a-alila ni Cygnus sa akin."
Hindi sila nagsalita. Tahimik lang silang nakatitig na halata ko ang pakikisimpatya lalo na kay Timotheo.
"Sabihin mo lang kung ayaw mo sa punishment ni Cygnus. Ako na gagawa para sayo." Biglang sabat ni Elizeo kaya natawa si Blue at Ritsuka.
Nakasimangot naman siyang binatukan ni Wenna.
"Landi mo. Hayaan mo na yan kay Jaxon. Tutal siya naman talaga ang bet ni Cygnus simula palang kaya nga naghamon 'yon ng karera."
Napatango tango si Elizeo sabay sulyap sa akin na siyang ikinailing ko.
"Kailan ka daw magsisimula sa kanya?" Si Mateo na halata ang kuryusidad sa mukha.
"Bukas ng umaga."
Tinapik-tapik ni Ruckus ang kanang balikat ko.
"Goodluck, Bro. Basta huwag kang maging marupok." Mahinang bulong nito.
Naningkit ang mga mata ko.
"Joke lang." Pagbawi niya sabay tawa.
Peke akong ngumiti sa kanya bago ibinaling ang tingin lamesa. Minabuti ko nalang na ubusin ang natitirang pagkain sa plato kp.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: JAGUAR
Teen FictionNang masaktan sa pag ibig si Jaguar. Ipinangako niyang hindi na siya magkakagusto ulit. Mag susumikap nalang siya sa pagtatrabaho bilang race driver sa Death Race. Kaya lang, muling nagpakita sa kanya ang dating nagugustuhan na si Cygnus Mugen na ki...
