CHAPTER 19

201 20 1
                                    

Hindi ko alam kung ilang beses na akong napamura at napatili sa gulat dahil sa nakikita ko ngayon. Dalawang lalaki lang naman ang nagbabasagan ng mukha. Habang masayang nagsisigawan ang mga taong nanunuod sa kanila. Mababakas mo pa sa mga ito ang kasiyahan dahil sa nasasaksihan.

Pero itong si Cygnus na nasa tabi ko. Tahimik lamang na nakatitig. Ganun din si Shin Vercetti, Kaizer Griffin at itong isa pa nilang kasama na hindi ko alam ang pangalan. Para silang nanunuod ng isang pelikula na may boring na plot.

Bored pa sila ng lagay na yan?

Halos duguan na nga yung mukha nung dalawang naglalaban sa gitna para lang irepresenta ang bawat grupo nila. Tapos itong mga Big Boss, hindi man lang nag eenjoy.

Bakit nga ba may eksenang bugbugan ngayon? Ayon sa paliwanag ni Cygnus sa akin. Ang ganitong aktibidades ay isa lamang sa pangkaraniwang ginagawa ng mga Gangster na tulad nila. Kung saan may dalawang grupo ang magtatagpo dito sa Ruesco Arena para maglaban.

Pipili sila ng miyembro na irerepresenta para lumaban. Sa oras na may matalo isa man sa kanila. Otomatikong kailangang magpa-sakop ng natalong grupo dun sa nanalo. Ang ending, magiging isa sila.

Ang saya diba? Parang mga tanga lang.

Pero sabi ni Cygnus, minsan daw hindi lang yun ang hinihinging kondisyon ng nanalong grupo sa matatalo nila. Naka-depende daw yun sa kung anong pinag usapan bago magsimula ang laban.

Ang purpose naman ng pagmamasid nila Cygnus ay para makita daw kung sinong mas malakas na grupo sa dalawa. Kung bakit? Iyon ay hindi niya na ipinaliwanag.

Kung hindi ako nagkakamali. Sa buong Magnium Guild. Isa sa si Cygnus sa pinaka-matunog na pangalan ngayon bilang magaling na Gangster leader. Kasama nya sa pwesto ng kasikatan itong mga tropa niya. Malamang sila ngayon ang tinitingila ng ibang grupo dahil sa yaman at galing na meron sila. Kaya yan, bawat Gang figths ay pinupuntahan nila.

Speaking of Gang fights. Mayroong mas matinding aktibidades ang mga Gangster. Ito nga ay ang tinatawag na Gang War.

Naalala ko nung highschool palang kami ni Cygnus. Siya ang nagkwento sa akin kung ano ang Gang War.

Ang Gang War ay uri ng sagupaan o bakbakan ng dalawang grupo na halos lahat ng miyembro ay kasali. Pati na ang kanilang leader. Madalas daw na ginaganap ang mga Gang War sa isang malawak na lugar. Tulad nitong Ruesco Arena. Syempre para ma-okupa ang dami ng mga lalahok sa labanan.

Ito daw ang pinaka-malupit na match para sa mga Gangster dahil matira matibay ang siste nito. Habang yung one on one combat tulad na nangyayari ngayon sa harapan ko ay pang level one lang ang atake.

Kalokang mga Gangster 'to.

Ngayon ko napagtanto na dapat pala magaling sa bugbugan para masabeng isa kang Gangster. Curious tuloy ako kung gaano kagaling itong si Cygnus. Kapag ba sinuntok ko siya, gaganti siya? Pero kung mabilis akong makakatakbo. Malamang, hindi niya ako magagantihan.

Napailing iling ako sa kagaguhang naisip. Sa pagmuni-muni ay hindi ko namalayang nakatingin na pala sa akin si Cygnus. Nakataas ang isang kilay nito na tila kanina pa nahihiwagaan kung anong iniisip ko.

"Lumilipad na naman ang isip mo. Adik kaba?" Puna nito.

Peke akong ngumiti.

"Oo, adik sayo."

Napansin kong saglit siyang napalunok sabay ngiwi. Sinenyasan niya akong manahimik na tinanguan ko lang. Muli kong ibinaling ang tingin sa nagaganap na laban na halos patapos na.

Akala ko magtatagal pa kami sa lugar na ito. Pero hindi na. Dahil agad nagpaalam si Cygnus sa mga tropa niya. Pati kay Kaizer Griffin na nginitian pa ako bago kami umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Expedallion Crusader: JAGUARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon