Mariin kong hawak ang manibela habang seryoso sa pagmamaneho. Nakita ko sa rear view mirror ng kotse ko na nakadikit na halos sa akin ang kalaban ko kaya mas binilisan ko pa ang takbo.
Hindi ako pwedeng matalo. Hindi pwede!
Ilang sandali pa ay napangiwi ako ng makarinig nang pagkalabog. Nakita kong binabangga ng kalaban ko ang kotse ko.
"Fuck you! Kapag nagka-gasgas tong C-x75 ko. Patay ka sa akin!" Sigaw ko dito.
Pinihit ko pakaliwa ang manibela upang iwasan sana ang pagdikit ng sasakyan nito. Pero ang demuho. Sinasadya niyang banggain ako.
Ang ganitong strategy sa pangangarera ay hindi na bago sa akin. Isa ito sa madalas na ginagawa upang mawala sa focus ang kalaban.
Nang makapasok na kami sa final laps ng laban ay rinig ko na ang ingay ng mga nanunuod ngayon dito sa arena. Mas binilisan ko na ang pagpapatakbo ko. Hanggang sa una akong nakarating sa finish line. Kasabay nito ay umalingaw-ngaw na sa buong paligid ang malakas na boses ng emcee na nag anunsyo ng pangalan ko.
"And the winner is Jaguar C-X75 ng Expedallion Crusader!"
Natapos ang match ngayong gabi na ako ang nanalo. Dahil dun ay tumungo na ako sa garahe kung saan pansamantala kong pinaparada ang kotse ko kapag ganitong katatapos lang ng laban. Lumabas ako sa C-X75 ko at diretsong naglakad papunta sa meeting room namin dito sa Death Race. Saktong pagpasok ko sa loob ay naabutan ko si Mazda na prenteng nakaupo sa sofa habang umiinom ng wine. Nasa tapat naman niya si Lotus na nakasimangot. Seryoso itong nakatitig sa cellphone niyang hawak.
"Dalawa lang kayong nandito?" Bungad ko.
Umupo ako sa tabi ni Lotus.
"Umalis na si Mclaren at Maserati. Yung iba nandun sa waiting room. Naghihintay ng match nila." Sagot ni Mazda.
Ikatlo palang ako sa lumaban kaya marami pang susunod na match.
"Congrats, Jag." Bati ni Lotus sa akin.
Ngumisi lang ako.
"Muntikan ka na dun. Hindi ka kasi nag fo-focus." Sabat ni Mazda.
Nakangiwi kong pinag ekis ang mga binti ko.
"Nasa focus ako. Huwag mo kong itulad kay Bugatti."
Tumawa si Lotus tapos siniko ang kanang tagiliran ko.
"Ang bad mo na naman."
"Totoo naman, 'ah." Giit ko.
Nakita ko ang ilang canned juice na nasa lamesa. Nakaramdam ako ng uhaw kaya dumampot ako ng isa. Binuksan ko ito at tinungga. Nang maubos ito ay muli kong inilapag sa lamesa ang bote nito.
"Mauna na 'ko." Paalam ko at tumayo na sa sofa.
Akmang maglalakad na ako nang biglang hawakan ni Lotus sa isang kamay ko.
"Ano na naman?"
Ipinungay niya ang kanyang mata na tila nagpapabebe sa akin.
"May nakalimutan akong itsismis."
"Tungkol saan?"
Napataas ang isang kilay ko nang makita ang kakaibang ngiti niya.
"Tungkol yan sa mga VIP members na ka-meeting ni Boss Cosimo ngayon." Sabat ni Mazda kaya sabay kaming napalingon ni Lotus dito.
"Oh, anong tungkol sa kanila?" Tanong ko at inalis ang kamay ni Lotus sa kamay ko.
"Isa sa mga VIP members ay lider ng Mugen Gang." Sagot ni Mazda.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: JAGUAR
Novela JuvenilNang masaktan sa pag ibig si Jaguar. Ipinangako niyang hindi na siya magkakagusto ulit. Mag susumikap nalang siya sa pagtatrabaho bilang race driver sa Death Race. Kaya lang, muling nagpakita sa kanya ang dating nagugustuhan na si Cygnus Mugen na ki...
