This is work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the authors imagination.
Any resemblance to actual person, living or dead is purely coincidental.
©Mafioso Akio
WARNING::::::
(Bxb/boys love)
__________________
INTRO
~÷~
Ang DEATH RACE INTERNATIONAL ay isang legal na kompanya na pagmamay-ari ni COSIMO BONFIGLIO. Ito ay matatagpuan sa Lankford City na parte ng Magnium Guild. Sikat ito sa buong lugar lalo na sa mahihilig sa karera na tulad ng mga politiko, artista, gangster, mafian at iba pa.
Anong karera ang ginagawa sa Death Race?
Karera lang naman ito ng mga mamahaling sasakyan na pinangungunahan ng grupong EXPEDALLION CRUSADER. Sila ang lumalaban sa mga sikat, individual or grupo ng iba pang race driver na nagmula sa ibat ibang panig na mundo.
Ang siste nito, nag iimbita si Cosimo ng mga race driver na gustong makatungtong sa Death Race para mangarera. Ang numero uno nilang dapat gawin ay labanan ang grupong pambato ng kompanya.
Ito nga ay ang Expedallion Crusader. Isa lamang ito sa dalawang grupong na hawak ng Death Race ngayon.
Lahat naman welcome dito. Grupo man yan o solo. Basta dapat magaling ka sa karera para siguradong may chance kang magka-pera.
Sa oras na tatlong beses mo matalo ang sino man sa siyam na miyembro ng Expedallion Crusader ay maaari kang gawing regular sa Death Race. Kumbaga, kukunin ka o kayo ng grupo mo para lang talunin nang talunin ang mga miyembro ng Expedallion Crusader.
Pero kapag isang beses ka lang nanalo at sa next match mo ay ikaw na ang natalo. Hihintayin mong pumayag ulit si Cosimo na paglaruin ka. Sa kanya pa din kasi naka-depende ang magiging desisyon dahil siya ang Boss.
Pagpupustahan naman ng mayayamang VIP guest ang karerang nagaganap tuwing gabi. Sila yung mga taong ubod ng yaman na handang maglustay ng pera para lang sa sugal. Maaring dumoble o maging triple ang pera nila sa oras na pumusta sila sa racer na mananalo.
Pero kapag natalo ang racer na pinustahan nila obviously, matatalo din ang perang kanilang pinusta.
Ganun lang ka simple.
Pero hindi nalang mayayaman ang pwedeng pumusta ngayon. Pwede din kahit ordinaryong mamamayan. Basta kaya ng budget mo ang tamang halaga ng perang pwedeng ipusta.
Dahil mautak si Cosimo Bonfiglio. Hindi lang pangangarera ang mayroon sa Death Race. Dito ay nagbebenta na din siya ng mga mamahaling sasakyan kaya mas lalo silang dinadayo ng mayayamang tao.
Sa ngayon ay malaki na ang pinagbago ng Death Race. Mas lumawak na ang gusali nito na kayang umukopa ng mas maraming bisita. Katabi nga lang nito ang isa pang gusali na kung tawagin naman ay Death Race Head Quarters. Dito nanunuluyan ang iba pang staff at lahat ng miyembro ng Expedallion Crusader.
Sa mga susunod na taon ay nagbabalak si Cosimo na dagdagan pa ng isang grupo ang Death Race upang mas maraming matches ang mapanuod at mapagpustahan.
-------------------------------
---------------------
Notes: Ang lahat ng lugar na mababanggit sa istoryang ito ay eme-eme lang. Thank you.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: JAGUAR
أدب المراهقينNang masaktan sa pag ibig si Jaguar. Ipinangako niyang hindi na siya magkakagusto ulit. Mag susumikap nalang siya sa pagtatrabaho bilang race driver sa Death Race. Kaya lang, muling nagpakita sa kanya ang dating nagugustuhan na si Cygnus Mugen na ki...
