PUSA

13 1 0
                                    

"Chell, dalhin mo lahat ng mga bakanteng galon jan, mag-iigib tayo sa kabilang kanto," tawag sa akin ni papa habang inaasikaso ang tricycle na sasakyan namin. 

"Sige pa!" sagot ko saka ko kinuha lahat ng mga bakanteng galon dun at hinakot pasakay sa tricycle. Pabalik balik pa nga ako kasi hindi lang yung amin ang dadalhin namin, may mga kapitbahay pang nagpapasuyo. Malayo kasi yung kabilang kanto na pag-iigiban namin, nawalan kasi kami ng tubig dito kaya kailangan talaga mag-igib para gamitin sa araw araw.

"Yan lang ba lahat?" tanong sa akin ni papa na ngayon ay nakaupo na sa motor. 

"Oo pa," sagot ko saka ako sumakay at pinuwesto ang sarili sa loob.

Maya maya ay umandar na ang sasakyan at bumiyahe na. Ilang minuto rin ang byahe hanggang sa nakarating kami sa igiban ng tubig. 

Malaki ang punong acacia ang makikita mo sa tabi ng malaking sementadong tangke na may tatlong gripo kada side ng tangke. Isa sa harapan, isa sa kaliwa at isa sa likod. Yung sa kanan, jan na nakadikit ang punong acacia. May maliit na pool kung saan pinupundo dun ang tubig para dun kukuha kapag nanglalaba ka at iba pa. 

"Oh ibaba mo na lahat ng yan, ako na bahala sa mga malaki," utos ni papa sa akin na sinunod ko agad. Hindi ko mabilang ng maayos ang dala ko basta ang napansin ko ay mas lamang ang bilang ng mga malalaking gallons kesa sa mga maliliit.

Dinala ko lahat ng yun at pinuwesto ang sarili sa may kaliwang bahagi. Napasulyap ako sa bagong dating na may dala ring dalawang container. Hindi ko na sila pinansin pa at tinuon ang sarili sa pag-igib. 

Binuksan ko ang takip ng galon ko at sinumulan nang sidlan ng tubig. Nakatuon lang ang sarili ko dun habang lumilipad ang isip ko sa di ko maipangalang lugar. 

"Meow," rinig ko mula sa harap ko. Humangad ako at may nakita akong isang puting pusa na nakatuon sa kanan. Nakapatong siya sa tangke na hanggang dibdib ko ang tangkad. 

Maya maya ay naglakad siya pakanan kaya binalik ko ulit ang atensyon ko sa iniigiban. 

Maya maya ay may narinig akong mahinang tawa ng boses lalaki malapit sa akin. Hindi ko maiwasan na mapalingon sa gawi niya. 

Ngayon ko pa napansin na lalake pala ang kasama ko ngayon sa igiban. Nakaputing t-shirt siya at naghihintay siyang mapuno ang malaki niyang gallon. 

Ngayon ko lang napansin na base sa postura niya at ayos ay magkasing edad kami. Hindi ko rin inaasahan na may itsura siya. Hinihipo niya ang pusa at mukhang nasisiyahan ang pusa sa ginagawa niya.

Nanlaki agad ang mga mata ko nang napansin kong napatingin siya pati ang pusa sa akin. Di ko maiwasang mamula at mailang dahil sa kahihiyan. 

Gagi, kung titingin, tingin lang, walang titigan!

Maya maya ay may napansin ako sa harapan ko kaya napalingon ako. Nakaupo ang pusa ngayon sa mismong harapan ako at tinitignan. 

At dahil sa mahilig ako sa pusa ay di ko maiwasang hawakan siya, at buti naman ay okay lang sa kanya. Hinawakan ko ang tenga nya, ilong niya ulo niya. Napapikit pa nga siya dahil sa kagagawan ko. 

"Meow," tinig ng pusa sa akin. 

Natawa ako dahil sa kakyutan niya kaya ginaya ko siya. "Meow," munting tinig ko sa kanya. 

"Pfft," rinig kong mahinang tawa sa kabila ko kaya nilingon ko siya at sasalubungan sana ng nagsasalubong kong kilay pero napawi yun dahil sa magandang matang binungad niya sa akin. 

Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya habang siya naman ay mapungay ang mga mata nakatuon sa akin. Nagkakatitigan kami ng ilang segundo.

"Meow," tinig ng pusa kaya napalingon ako ulit sa kanya. Bakas mukha niya ang taka dahil sa asta amin. 

Ningitian ko lang siya sabay hawak ulit. Napasulyap ako ulit sa kanya nang sinara na niya ang gripo at tinakpan ang container niya. Nilingon niya ako at biglang binigyan ako ng matamis na ngiti na para bang may kahulugan na di ko alam kung ano.

Dahil sa lakas ng karismang binungad niya ay di ko maiwasang mamula at mailang. Nakarandam pa ako ng kiliti sa tyan ko. 

Gagi,

Inangat niya ang galon niya ng walang hirap at saka siya tumalikod at umalis sa lugar. 

Nung nawala na siya sa paningin ko ay di ko maiwasang mabigla dahil sa asta ko kamakailan lang. Mas lalo akong namula habang paulit ulit na nagpapakita sa isip ko yung nangyari kamakailan lang.

Ano ibig sabihin yun?

Nang nasa maayos na akong asta ay tinuon ko na ang sarili sa iniigib. Sinirado ko na ang gripo nang mapuno na yun lahat at tinawag na si papa para tulungan akong ihatid yun pasakay sa tricycle.

"Oh nak, kanina kapang wala sa wisyo, anong nangyari sayo?" tanong bigla ni papa habang pinupwesto niya yung mga galon sa loob. 

Namilik mata pa ako sabay ilit at sinampal ang sarili para magising. "Wala lang to pa,"

Gagi, ano yun?

__________0.0__________

P.S. based on real life event of mine *wink*

CHELL'S COUNTER OF THOUGHTSWhere stories live. Discover now