VANDALISM

7 1 0
                                    

Nasa school ako ngayon. Medyo tinatamad kasi late na akong nakatulog kagabi. 

Bat ba kasi kachat ko yung bosit na yun? Kung dinedma ko sana, de sana hindi ako aantukin ngayon. Hays.

Hindi pa dumating yung prof namin kaya naisipan ko na matulog muna ng ilang minuto para makabawi.

Kinuha ko ang bag ko sabay lapag nun sa mesa, inayos ko pa yun ng lagay para maging komportable ako. Nang makontento na sa pwesto ay nilagay ko na ang ulo ko sa ibabaw ng bag na naging sible unan ko at saka pumikit. Hindi umabot ng ilang segundo ay nakatulog rin agad.

Ang sarap at payapa ang tulog ko. Parang ilang araw akong walang tulog sa asta ko.

Nagising ang diwa ko kaya bumangon na ako sabay lingon sa harap nang nakalingon lahat ng mga kaklase ko sa akin, pati yung prof namin na matalim ngayon ang tingin. 

Napahinto ako sa nakita sabay panlalaki ng mga mata ko sa gulat.

Teka, kanina pa silang nagsimulang mag-klase? At wala man lang gumising sa akin?!

Matalim parin akong tinignan ni Prof. Umayos agad ako ng upo sabay baba ng bag ko at ngumiti. "Hehehe," naging bungad ko sa kanya sabay kamot sa batok.

Sorry prof, kasalanan to ng bosit na yun kaya ako inaantok at nakatulog sa klase mo po opo.

Maya maya ay narinig kong nagpipigil ng tawa ang ilan sa mga kaklase ko. Nilingon ko sila isa-isa pero umiwas lang sila ng tingin sabay tawa. May iba pa na nagbubulungan. 

Anong ganap?

Nilingon ko ang katabi ko para tanungin kung anong nangyari pero ninguso lang niya ako. Nangunot pa ang noo ko dahil sa hindi ko siya maintindihan. 

Anong meron? May nakakatawa ba?

Maya maya ay biglang may nag-abot sa akin ng salamin. Nilingon ko yun at nakita ko si Erich.

"Mukhang kailangan mo to," sabi niya sabay mahinhing ngumiti.

Naguguluhan akong tinanggap ang inabot niyang salamin. Hinarap ko ang salamin sa mukha ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

Pvtang ina sino may gawa nito?!

Inis kong binaba ang salamin sabay matalim na tinignan isa-isa ang mga kaklase ko na nagpipigil parin ng tawa, iba pa ay umiwas sa matalim kong tingin.

Mukhang di ko na kailangan pang magtanong kung sino. Alam na alam ko na kung sinong hudas na gumagawa nito sa mukha ko!

Andaming kung ano-anong sulat ang nasa mukha ko. Ballpen pa talaga ang ginamit ng mukong na yun. At aba may bastos pa sa may pisngi ko!

Bosit!

Inis kong nilingon ang nasa likod ko kung saan nakaupo ang hudas na salarin.

Si Ralph Mahir.

Nakaupo siya ng prente, nakapatong ang dalawang paa sa mesa at nagpepen spin pa ang pucha.

Mahigpit ang hawak ko sa kamao ko sabay bato sa kanya ng matalim na tingin.

Humanda ka sa akin!

Padabo akong tumayo at marahas na naglakad palapit sa gawi niya. Pagkaharap ko sa kanya ay agad kong hinablot ang pollo niya palapit sa akin.

"Ginagago mo na nga ako kagabi, halos di na ako makatulog tapos ngayon dinadrawingan mo mukha ko?! Alam mo ba ang tawag nito?" hasik ko sa kanya sabay turo sa mukha ko. "Vandalism! Nagsusulat at nagdadrawing ka sa pagmamay-ari ng iba!" sigaw ko pa sa kanya. Sobra na niyang kinukulo ang dugo ko.

"Gusto mo ba na gawin ko tong pinaggagawa mo sa mukha mo?" irita kong singhal sa kanya sabay panggigigil.

Napatitig siya sa asta ko, pero maya maya ay gumuhit ngayon sa labi niya ang nakakaasar at nakakainis na ngiti.

Bosit!

"Looking forward to it miss," nakangiti niyang saad na mas lalong pinapakulo ng dugo ko.

Ughhhh!

Dahil sa ayaw ko gumawa ng eskandalo sa loob ng klase ay marahas ko siyang binitawan sabay padabong umalis sa classroom.

Pumunta ako sa cr para linisin ang kalat ng RM na to. Medyo nahirapan ako pero nabura ko rin naman sa wakas. Inayos kona ang sarili ko sabay labas nang nakita ko si Aim sa labas ng pinto.

"Aim, magc-cr ka?" tanong ko sa kanya pero umiling lang ito. Bosit na na yun, maghihiganti ako sa kanya, maghihiganti ako!

Nilingon niya ako nang may kakaibang tingin, bakas ang pag-aalala. "Alam mo, mas nag-aalala ako sayo pagkatapos mo binitawan ang mga sinasabi mo," makahulugan niyang sabi sa akin. 

Sinalubungan ko siya ng kilay. "Huh? Hindi kita naintindihan, may mali ba dun? Gusto ko lang naman maghiganti ah." 

"Hindi lang kasi pagdadrawing sa mukha mo ang ginawa niya." Pagkasabi niya nun at nanlaki ang mga mata ko at nagsimula na namang kumulo ang dugo ko.

"May kagaguhan na naman siyang ginawa maliban dito?" inis kong tanong sa kanya.

May ginawa pa siya bukod dito? Anak ng pu-

"Hinalikan ka niya sa labi," saad ni Aim agad na biglang napapahinto sa iniisip ko. Parang naghang bigla ang utak ko.

Wait, tama ba ang narinig ko? H-halik? Sa labi?! 

Pilit pinoproseso ang narinig ko. Di ako makareak agad.

"H-halik? Bat naman ako hahalikan nun?" pekeng tawa kong tanong sa kanya sabay iwas ng tingin pero sa kaloob looban ko ay binabalot na ako ng kaba.

Kailan niya ako hinalikan? Bat naman niya ako hahalikan? Wala akong nakitang rason na gawin niya yun!

"Nung habang natutulog ka. Binabalaan rin niya ang prof at ang buong klase na hindi ka gisingin." 

Para akong sinampal sa narinig ko. Bigla akong binalot ng inis, at di makapaniwala. Pero lamang ang kaba at pag-aalinlangan.

Wala sa wisyo kong hinawakan ang labi ko.

Luh seryoso? Gago yun ah!

Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Aim ang balikat ko. "Good luck sa revenge mo," nakangiting sabi nito sabay talikod at iniwan akong nakatulala.

L-langhiya!

Bigla kong naalala yung sinabi ko sa mukong na yun.

"Gusto mo ba na gawin ko tong pinaggagawa mo sa mukha mo?" 

K-kaya pala ang lapad ng ngiti niya! Ang lakas ng loob niya ah!

So, ibig sabihin na...

Sinampal ko ang pisngi ko para alisin ang nasa isip ko. Masyadong nakakadiri.

Hanggang sa pagbalik ko sa classroom, parang wala na sa katawan ko ang kaluluwa ko. Pawang isip kung totoo ba o hindi, kung maghihiganti pa ba ako o palagpasin nalang. 

Napaupo ako sa upuan ko at ginulo ko agad ang buhok ko sa irita.

Wag mo nang isipin yun, sabihin ko na lang na ipapalagpas ko nalang tong nangyari ngayon. Tsaka pwede parin akong makapaghiganti sa ibang paraan, hindi yung kailangan ko talaga gawin ko rin tong pinaggagawa niya sa akin!

Nagulat ako nang may nagdabo sa mesa ko kaya inis ko yung nilingon.

"Ano bah?" inis kong sigaw kaso nawala agad ang angas ko nang nalaman ko kung sino yun. "RM..." pabulong kong sabi sa kanya.

"Maghihiganti ka diba?" nakasmirk niyang sabi habang direktang tinitigan ang mga mata ko. Sinalubungan ko lang siya ng kilay. 

Maya maya ay sinimulan niyang ilapit ang mukha niya sa akin kaya napaatras ako at hindi maiwasang mailang at mamula.

Ang lakas ng amats niya!

At napahinto ako at mas lalong namula dahil sa sinabi niya.

"Nasaan na yung kiss ko?"

__________0.0__________

CHELL'S COUNTER OF THOUGHTSWhere stories live. Discover now