SA LOOB NG BOTE

11 1 0
                                    


Head's up: disturbing content ahead. Read at your own risk.

"Huy RM, tara lakad pa tayo!" malakasang sigaw ko sa kanya habang patalikod akong naglalakad at nakaharap sa gawi niya. Si RM naman ay pinipilit ang sarili na magpatuloy sa paglalakad kahit na halata sa mukha niya ang pagod.

Nasa Pampanga kami ngayon, nagbabakasyon kasama ang mga barkada namin. Nasa pito kami ng bilang. Kami ni RM ay naglalakad sa baybayin habang sinisimoy ang preskong hangin at malakahel na tanawin sa dagat.

"RM naman, bilisan mo naman- ay!" Napasigaw ako nang may natapakan akong matigas na bagay sa likod ko dahilan upang matumba ako. Nilingon ko ang tinapakan ko kanina nang nakita ko yung isang bote na may papel sa loob.

"Chell, okay kalang?" Ngayon ko lang napansin na tumatakbo pala tong si RM palapit nang nakita niya ang pagbagsak ko.

"De, okay lang ako. Kasalanan to ng boteng yan," nakasimangot ko pang sabi sabay turo sa gawi ng bote.

Sinalubungan niya ako ng kilay sabay lingon sa tinuturo ko. Dahil sa kuryusidad ay kinuha niya yun at binuksan. Kinuha niya ang papel at tumabi sa akin. Binuklat namin ang papel nang may nakita kaming pitong linya.

"Uyy coincidence, July 7 rin tayo ngayon," nakangiti pang saad ni RM.

Maya maya ay may naalala ako. Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang ballpen ko. Nadala ko ang ballpen ko kanina.

"Oh anong gagawin mo?" takang tanong ni RM ng bigla kong kinuha sa kanya ang papel.

"Ganito kasi yan, ito si Rin," sabi ko sabay slash ng isang linya dun gamit ang ballpen. "Tapos si Vic, Kyle at Ell," sabi ko naman sabay slash ng tatlong linya. Titig lang si RM sa pinaggagawa ko.

Sinalubungan niya ako ng kilay. "Tas ito naman si Fel," turo ni RM sa isa pang linya. Tumango ako at saka slinash yun. "Tapos itong natirang dalawang linya..." bitin niya sa sasabihin sabay lingon sa akin.

Nilingon ko rin siya. "Tayo!" sabay pa naming sabi sabay tawa.

"Oh malapit na gumabi, balik na tayo," yaya sa akin ni RM sabay tayo, "iwan mo nalang yan dyan," dagdag pa niya. Tumango naman ako at saka ko siya sinunod.

Naglakad kami pabalik sa guest house namin na napansin ko na medyo tahimik sa loob. "Saan sila?" takang tanong ko. Nagkabit balikat lang siya at saka binuksan ang pintuan, at hindi ko inaasahang ito ang bumungad sa amin.

Magulo ang sala, may mga basag pa na bote sa paligid. Nakahiga si Rin sa pang-isahang couch, habang sila Victor at Kyle naman ay nakalatag sa pantatluhang couch. Nakahiga sa sahig si Ell habang si Fel naman ay nakapatong ang ulo sa mesa.

At lahat sila ay duguan.

Anong nangyari?

__________0.0__________

CHELL'S COUNTER OF THOUGHTSWhere stories live. Discover now