KLASE

6 1 0
                                    


Umikot ang mundo
Handa na sa pagbabago
Ako'y pumasok na buo
Ito na ang simula ng bagong yugto

Unang pasok sa klase
Mukhang pormal ang disente
Pinapanalong makuha ang tiwala
Tiwalang akala ko'y magtatagal

Habang patagal ng patagal
Biglang umiba ang timpla ng lahat
Oo, naging pinuno ako
Pero hindi yun ibig sabihin na magiging maayos iyon

Pasakit na hindi pisikal kundi emosyonal
Tinuturing pang di kabilang
Halos hindi nga makasabay sa grupo
Ginawa pang target sa panggagago

Simula nun, di ko maiwasang mapa-isip
Kung sinisiraan na ako o iniisipan ng pangit
Minsan takot rin akong tumungo
Dahil ayaw kong mabato

Iniisip nila na "presidente paba siya?"
Kasi nawala na sa katawan ko ang salitang "respeto"
Minsan naiirita ako pag ako'y tawagin
Ng pinuno kahit alam kong hindi nila yun nais

Sa usapang gawain
Kahit paborito kong guro ay naiinip
Dahil sa gawaing di ko maisaayos ayos
Pinagsabihan pa, tagos sa puso ng lubos

Hindi ko alam kung saan ako nagkamali
Bakit habang tumatagal mas lalong sumasakit ang pananatili?
Akala ko ay maging mabuti ang lahat
Pero bat, bumaliko na ang lahat-lahat?

Gusto ko lang naman na magkasundo ang lahat
Hindi lang sa klase kundi bilang kaibigan
Mahirap ba ang ganung hiling?
O sadyang mahirap akong pakisabayan?

Wala na ako sa tamang wisyo
Di ko na kilala ang sarili ko
Siguro dahil hindi na ito ang dating ako
Ito'y durog ng pinong pino

Takte, parang gusto ko na lang manahimik
Magmukmok, umiyak at nakatago sa tabi
Para ibalik ang sarili ko sa kondisyon
Kasi sa totoo lang, pagod na pagod na ako

Pagod na pagod na ako kung iisipin
Halos parang pinatay ko na ang katawan ko sa daming gawain
Minsan sumagi sa isip ko ang sumuko
Kaso, may mga pangarap pa akong gustong matamo

Hindi ko inaasahan ang lahat ng 'to
Hinahangad ko'y maayos pero naging ganito
Alam ko sa kalooblooban ko na pagsubok ito
Pero, putang ina ang lala naman nito

Isang buwan palang ang nakalipas
Pero yung sakit parang pang isang taon na
Isang buwan na lumalaban mag-isa
Oh may kapal, pahingi ng awa kahit kaunti lang!

Pero ngayon, isa lang ang nasa isip
Gusto kong manahimik
Sa oras na ito kailangan kong huminga
Hayaan mo, masiayos rin ang lahat.

__________0.0__________

CHELL'S COUNTER OF THOUGHTSWhere stories live. Discover now