SPRING PARK

6 1 0
                                    

Head's up: disturbing content ahead. Read at your own risk. 

Naglalakad ako ngayon sa lugar kung saan kami dapat magkita. Sa isang spring park na kilala dito, medyo may kalauyan mula sa amin.

"Hello babe," bati sa akin ng jowa ko na kararating lang. Mukang ilang minutos lang siyang nag-ayos dahil sa asta niya ngayon. Magulo ang buhok, gunit na ang damit at may minutos pa talagang inayos ang pantalon niya. 

Nilingon ko yun at sinalubungan ko siya ng yakap. 

"Huy, tagal mo ah..." sabi ko habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya. Pinapakinggan ang kanyang kumakabog na dibdib. 

"Hahaha, may ginagawa lang. Kanina ka palang dito?" Ginantihan niya rin ako ng yakap at umaaktong nilalambing ako. 

"Hm," matamis ang ngiti kong himig sa kanya.

Maya maya ay lumapit ako sa may gilid ng semento kung saan ang kasunod nun ay ang malalim na lawa. May mga isdang naglalanguyan dun, may iba't ibang kulay.

"Oh, san ka pupunta?" tanong niya sabay sunod sa akin at pinuwesto ang sarili sa tabi ko. 

"Alam mo ba, na gusto ko maging isda?" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hahaha, alam ko," sabi pa niya. 

Matamis akong ngumiti, nakatitig parin sa mga isda. "Kaya nga naisip ko na baka iba ang magiging buhay ko kapag naging isda ako, " sabi ko sabay lingon dun. "Alam mo ba na masayang mamuhay sa lawa?" kwento ko sa kanya.

Naramdaman ko na lumalapit siya sa tabi ko. Nakapamulsa at nakayuko rin, tinitignan ang mga isda.

"Depende lang yan kung magiging maganda ang buhay ko dun, edi bakit ba naman hindi diba?" natatawa pa niyang sabi. "Teka, bat' mo nakwento yan?" tanong niya sa akin. Natawa ako sa naging tanong niya.

Hinawi ko pa ang buhok ko sabay lingon sa kanya. "Sino si Erich?" Pagkatanong ko sa kanya ay agad nanlaki ang mga mata niya. Hindi makapaniwala sa narinig.

Hindi ko siya hinayaan na sagutin ang tanong ko, sa halip, tinulak ko ang likod niya papunta sa lawa dahilan kaya nasa lawa na siya ngayon. Nabigla pa siya sa naging ginawa ko. 

Nang aakto sana niyang iangat ang sarili dahil sa hindi marunong lumangoy ay kinuha ko ang buhok niya sabay diin nun pailalim dahilan upang wala na siyang chansang makahinga mula sa lawa. Kapa kapa lang ang tanging nagawa niya. 

Nilingon ko ang itim kong relo habang hinihintay ko siya manahimik, hanggang higit 30 minutos. Tumigil na siya sa paggalaw. Naghintay ulit ako ng ilang minuto saka ko yung binitawan. Tumayo na ako ng maayos sabay pagpag ng kamay ko na para bang nagtapon lang ng basura. Nilingon ko pa ang paligid ko para tignan kung may nakakita ba.

Hah,

Nilingon ko ang lawa kung saan ko siya binitawan.

"Rest in peace my dear," malungkot ko daw sabi. Yumuko ako ng konti sabay bungad ng ngiti. "Wag kang mag-alala na baka mag-iisa ka jan. Isusunod ko ang mga babae mo. Enjoy," Sabi ko sabay ayos ng tayo at nilisan ang lugar.

He's a man full of shit. siya yung taong handang ipasabay ang limang tao sa isang relasyon, na may limang anak sa ibat ibang babae, na panay hingi sa mga babae niya para sa bisyo, at sa kabilan ng lahat umaakto siyang parang matinong binata na lahat na pinaggagawa niya ay marangal? I don't think so.

He's a douchebag. He's and asshole. Masyadong makapal ang mukha at wala siyang silbeng nilalang. Ang mga dapat sa kanila, tanggalin ang mundo. 

He deserves it right?

__________0.0__________

CHELL'S COUNTER OF THOUGHTSWhere stories live. Discover now