BLACK CONE ICE CREAM

2 1 0
                                    

"teka lang! Hinahanap ko lang yung nagtitinda ng black cone na ice cream!" sabi ko sabay lakad para hanapin yung stall na yun.

"oh sige sige, ilalakad ko nalang tong aso ko," sabi naman ni Aim saka umiba ng direksyon.

Nasa Boulivard kami ngayon, gabing gabi na nang napagdecide namin na kumain dito kasi... Wala lang, nabored lang siguro o ano.

Nilibot ko ang paningin ko sa lugar, ang ganda ng mga ilaw sa mga poste, may fountain pa, friday kasi kaya may pa fountain show. Marami rami ang mga tao, tulad rin ng mga normal days dito.

Sa paglalakad ko, napansin ko na ang daming mga taong nagkukumpulan duon sa may gitna ng area, katabi sa isang poste.

Tinignan ko lang yun nang biglang may umalis na isang lalaking may dalang black coned ice cream.

Ayun on!

Agad agad akong lumapit dun, pero hindi agad ako makasingit dahil sa sobrang daming tao. Patok talaga ang ice cream na yun kaya gusto ko ring makatikim.

Ehem ehem, first time ko to so...

Maayos akong tumayo sa may nagpipilang mga tao, mga nasa lima ang nasa unahan ko para makakuha ng ice cream. May dalawang klaseng flavor lang, avocado tsaka ube.

Dahil nga sa sobrang daming tao, medyo maingay rin at nagsisiksikan, ngunit di ako nagpatinag sa pwesto ko no! Alam kong mga malalaki kong mga katabi ko pero nagmamatigas parin ako sa pwesto ko.

Say no to pasingit sa pila!

"Teka teka lang nalilito na ako!" sabi ni kuyang nag-iiscoop ng ice cream. "Saka na ang bayad kapag nakakuha na kayo ng ice cream," dagdag pa niya.

Tinignan ko si kuya na medyo naiistress na siya sa sobrang daming tao. May mga mamimili na medyo nakakalito kung ano ang gusto na mas lalong nagpapatagal sa pila.

Damang dama ko talaga ang kakaibang tingin ni kuya, bakas ang pagod ang inis dahil sa tagal nilang pumili.

May kasama naman siya pero siya yung nagsisilbing cashier kaso sa sobrang gulo nga, minsan yung mga tao, kay kuyang nag-iiscoop ibinigay.

"Ibigay mo dun sa kanya ang bayad," nguso niya sa kaniyang kasama. "Ano, anong sayo?"

Naghihintay lang ako ng tahimik habang tinitignan siyang nag-iiscoop, ngayon ko pa naisipang mahirap pala magtinda ng ice cream na hindi pa nakascoop, halata sa pawisang mukha ni kuya. Nimemorize pa niya kung ano ang mga flavor na gusto nila. Ganito kasi yan, pwedeng may ube lahat, may avocado lahat at mix. Kaya minsan nakakalito.

Bago pa umalis ng nasa unahan ko ay nilugay ko ang buhok ko, sabay ayos ng postura ko at inayos ang mukha ko.

Mas makakatulong kay kuya kung may makita siyang maganda sa harapan niya para bawas pagod.

Shala! Ang feeling ko sa mga oras na yun pero gusto ko rin pakalmahin si kuya no!

Nakashort ako ng black at royal blue t-shirt. Nabagay yun sa kulay ko kahit na hindi naman ako ganon kaputi. Nakaliptint naman ako at may dalang black-cased na cellphone.

Nang nilingon niya ang susunod na bibili ay biglang kumalma ang mukha niya. Natanggal sa mukha niya ang pagsasalubong ng kilay at di mapintang mukha.

Umayos pa muna siya ng tayo, sabay malihim na inayos ang damit at tinignan ako. Ako naman ay di tinanggal ang mga mata sa kanya.

"Anong sayo?" makalma niyang tanong sa akin. Kakaiba ang pagtanong niya sa akin sa ibang mambibili, kaya napangiti ako.

"Mix akin kuya," nakangiti kong sabi.

Tumango naman siya, saka niya tinanong yung iba sa likod. Nagkuha na siya ng limang black cone at saka nagsimulang magscoop sa order namin.

Pagkatapos niya magscoop ay inabot na niya yun sa amin. Nilingon ko siya ulit sabay pasasalamat. Tumango naman siya saka na ako umalis sa kinatatayuan ko.

Lumapit na ako sa cashier sa kabila saka ako nagbayad. Pati yung cashier tinignan rin ako. Ngumiti lang ako saka ako umalis at hinanap ang kasamahan ko.

Mabuti nga't lumapit yung aso sakin kaya agad ko silang nakita. Umalis na kami sa lugar nayun para maglakad lakad.

At sa mga oras nayun, feel ko na proud na proud ako sa sarili ko. Nakakaproud kasi feel ko I just saved someone else's day!

Eme! HAHAHAHA

__________0.0__________

P.S. Based on real life story of mine

CHELL'S COUNTER OF THOUGHTSWhere stories live. Discover now