MUNTING BATA

6 1 0
                                    


Munting batang humihiling
Na sanay siya'y maging hangin
Lumilipad ng malaya at nakangiti
At higit sa lahat, siyay maging di mapansin

Dahil sa kanyang kapaligiran
Na puro puot at sakit ang nararamdaman
Na walang humpay sa pagsisigaw at pag-aaway
Nadamay pa siya ng walang kamalay malay

Mapatanong nalang siya na "buhay paba to?"
Kasi kung tutuusin hindi ito ang dapat matamo
Kaso wala eh, ganito talaga ang mundo
Minsan masaya, minsan abuso

At sa wakas natupad ang kanyang hiling
Siya ngayon ay lumalakbay sa paligid
Dinadama ang lamig ng simoy ng buhay
Habang ang katawan niya ay nakahandusay

__________0.0__________

CHELL'S COUNTER OF THOUGHTSWhere stories live. Discover now