Palapit na ang kaarawan
Pero hindi ako natutuwa
Sapagkat hindi ko nadama
Ang dating halimuyak ng siglaPadating na ang araw na hinaharap ng lahat
Ang pangarap malasap ng bawat dalaga
Ang araw na ni minsan pinangarap kong maranasan
Pagkasapit ng aking kaarawanAng pagrampa sa gitna ng maraming madla
Kinakaway ang kamay na may ngiti sa mukha
Hawak hawak ang saya mong nakadapat sa sahig
At pakiramdam na ika'y nagiging sentro na napakabighaniMakaupo sa isang silyang puno ng perlas
Pinapalibutan ng mga lobong sing kintad ng kalangitan
Rinig ang hampas ng alon ng karagatan
At madama sa mga paa ang mga buhanging sing pino ng harinaAng musikang nagbibigay ng sigla
Habang hawak ko sa kanan ang mga rosas
Nakaharap sa mga matitipunong mga binata
At sinasayaw ako na parang isang prinsesaKainan na may tawanan
Marinig ang kanilang mga hiling
Mga pinapangarap para sa aking sarili
Para sa bagong yugto ng aking buhayPero, lahat ng yun ay hanggang pangarap lang din
Ibig ko man gawin ngunit mahirap abutin
Sapagkat madaming mga bagay na naging sagabal
Tulad ng oras, lakas at kulang sa alalayPero kahit naging ganun ang nangyari
Malaki ang pasasalamat ko sa aking narating
Nalagpasan ko na ang taon ng pagkabata
At ito na ang simula ng aking pagiging matanda__________0.0__________
![](https://img.wattpad.com/cover/341772045-288-k259902.jpg)
YOU ARE READING
CHELL'S COUNTER OF THOUGHTS
RandomOne of the things why we thought such a lot of things are, because of what we see around us and what we feel inside. We think a lot of things. Sometimes we wanted to capture the moment, visualize the settings, be on that scene, and express your emot...