JUDGE

3 1 0
                                    

"Arestuhin siya!" sigaw ng pulis habang nakatutok ang baril sa harapan ko.

Dahil sa wala na akong magawa at natrap sa gitna ng dalawang naglalakihang building ay sumuko na ako. Binaba kona ang baril na hawak ko, katabi sa lalakeng pinatay ko kamakailan lang.

Mamamatay tao, yan ang trabaho ko. Diyan ako kumikita ng pera para pambayad ng utang at tugunan ang pangangailangan sa araw-araw. Alam kong labag 'to sa batas pero sa sitwasyon kong ito, wala na talaga akong pag-asa para makahanap ng matino at malinis na trabaho.

"Iposas nyo na yan," sabi nung isang pulis saka sila tumango ay lumapit sa akin dala dala ang posas saka sinuot yun sa magkabilang pulsuhan ko.

"Sumama ka sa amin kung ayaw mong malagutan ng hininga," singhal na bulong sa akin ng pulis.

"Tch," naging singhal ko saka ako tumingin sa malayo. Sumabay ako sa kanila. 

"Dude, kung may gagawin ka man lang katarantaduhan, wag ka naman sanang magpapahuli," Angal ng kaibigan kong si Sien.

Umiwas lang ako ng tingin na para bang hindi ako nakikinig sa sinasabi niya. Nasa kulungan na ako, nga 24 oras na simula nung hinuli nila ako. Bilis rin makatanggap ng balita tong kaibigan ko eh, napakalupit!

"Hoy, nakikinig kaba?" inis na sigaw niya sa akin sabay hampas ng lamesa kaya napalingon ako sa kanya.

Sinalubungan ko siya ng tingin. Tinuro niya ako agad. "RM, higit dekada mo na tong ginawa, ngayon ka pa nagpahuli?!" pabulong niyang sigaw sa akin. 

Umiwas lang ako ng tingin sabay kamot ng sentido ko. "Malay ko ba kung may mga pulis," sabi ko. 

"Anong malay mo? Alam mo dapat yan kasi kriminal ka!" sigaw niya ulit. 

"Eh ano ngayon? Hindi ba tao ang mga kriminal?" bara ko rin sa kanya. Bumitaw pa siya ng matalim na tingin bago niya ako sininghalan ulit.

Nanahimik kami ng ilang minuto bago siya nagsalita. "Nagfile ng kaso yung pamilya nung biktima," saad niya. 

"Tapos?"

Inis niya akong nilingon. "Anong tapos?" takang tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay. "Gawin mo yung trabaho mo, Attorney," sabi ko. 

Tinaasan niya ako ng dalawang kilay. "Wow ha, may bayad yun pre. Hindi ako basta bastang nagbibigay ng libre," sabi nito. 

Pinaliitan ko siya ng mata saka ako umayos ng upo sabay cross arm, "babayaran kita, paglabas ko."

Tinaasan niya ako ng kilay na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig. "Paano? Papatay ka na naman ulit?" sabi niya. Umiwas lang ako ng tingin, "ano ba nasa utak mo RM?" takang tanong niya. 

Tinaasan ko agad siya ng kilay. "Eh ano nasa utak mo Vic?" balik tanong ko rin sa kanya. Tumingin nalang ako sa ibang direksyon. "Basta gawin mo lang ang trabaho mo," sabi ko. 

Umiling iling pa siya. Hindi makapaniwala. "Naku sayo, buti nga't kaibigan kita eh," sabi niya sabay cross arm at saka tinignan ako mula ulo hanggang paa. 

Naglapag na siya ng mga gagawin, mga plano, mga sasabihin, kung ano ano. Hindi na ako nag-abala pang makinig kasi para saan naman yun. Magsabi kalang, maniwala na sila panigurado.

"Oras na para pumunta tayo sa korte," sabi niya sabay batok sa akin. "Handa ka na ba?" 

Sinamaan ko siya ng tingin sabay himas ng batok ko. "Oh," sabi ko. 

"Alam mo naba ang dapat gawin?"

"Oh."

Binatukan niya ako ulit. "Umayos ka!"

CHELL'S COUNTER OF THOUGHTSWhere stories live. Discover now