MINE ON SCREEN

1 1 0
                                    

“Lights camera action!”

“I'm so lucky to have you as my boyfriend,” sabi ko habang nakayakap sa leeg niya at mapungay na minasdan ang mga mata niya.

Nabigla ako nang bigla niyang niyakap ang bewang ko, dahilan para medyo lumaki ang mga mata ko pero binalik ko rin yun sa tamang emosyon. “I'm so lucky to have you as my girlfriend, Chellrich. I-I will never forget you.” Bigla siyang nautal sa bandang huling linya niya kaya gusto kong matawa pero pinigilan ang sarili.

Sa hindi inaasahan na pagkakataon, bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko, at pawalang sabing inangkin ang labi ko. Mas lalo lumaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

Tumingin ako sa mga camera man, lalong lalo na't kay direktor. Bigla rin ang bumugad sa mukha niya.

Kakaibang tingin ang pinakita ko sa kanya, nagtatanong kung ipagpapatuloy ba ito o hindi. Maya maya ay ngumiti siya sa akin sabay tango.

Gaganti ako?

Maya maya ay dahan dahang ginalaw ni RM ang mga labi niya, gumanti naman ako. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa leeg niya, maging siya sa hawak niya sa bewang niya.

Shit, hindi nato tama.

Alam kong hindi nato basta bastang halik lang.

At hindi yun pwede sa harapan ng camera!

Nagtataka ako kung bakit walang nagcut. Nagpatuloy parin kami sa paghahalikan. Habang tumatagal ay mas lalong lumalim yun, siguro ay nadala ako kay RM.

Ralph, hindi na to tama!

Maya maya ay biglang bumaba ang kamay niya malapit sa dulong bahagi ng pollo ko, sabay dahan dahan pinasok ang kamay niya dun at dahan dahang inangat. Gusto ko siyang sawayin pero parang hindi na ako makabitaw sa halik niya.

Takte, paano na to? Wala bang nakapansin? 

BIgla akong nakakaramdam ng pag-iinit. Ibang pag-iinit, at delikado na pag nagpatuloy pa to.

Maya maya ay bumitaw na si RM sa halik na ikinapasalamat ko, saka niya ako tinignan at nagsmirk pa. Gusto ko siyang singhalan pero medyo nanghihina ako sa nangyari. Pinabor ko ang sarili ko sa yakap niya sa akin.

Nagkatitigan kami ng ilang minuto, saka ko narinig na sana ay kanina pang sinabi.

“Cut!”

“Such a good work for the both of you Chellrich and Ralph Mahir, great work!” puri ng director saamin sabay palakpak. “Magiging intimidate ang ending ng series na ito!” sabi pa niya.

“Yes direk. Mabuti ngat nagcooperate si Chellrich dito. Right Chell?” baling niya sa akin, alam kong namimikon to eh.

Gusto ko sana siyang kutusan pero hindi ko magawa. “Y-yes.” naging sabi ko sabay lingon kay direk. “Direk, diba wala-”

Pumalakpak siya bigla kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko. “It's okay Chell. Don't worry, additional yun. Once again, thank you for the hard work for today,” nakangiti niyang sabi. “RM, Chell, wag nyong kalimutan ang interview nyo this night,” gatong pa niya. 

“Yes direk,” sabay naming sabi ni RM saka kami tumango. Umalis na si Direk saka ko malakasang tinulak si RM.

“Ano yun Ralph?! Alam mong wala yun sa scrip!” malakasang sigaw ko sa kanya sabay tulak dahil hanggang ngayon ay nakayakap parin sa akin.

Maya maya ay biglang nagbago ang timpa ng mukha niya. “Alam ko Chellrich, sa tingin mo matutuwa si direk ng ganun pag di ko yun ginawa?” seryosong tanong niya sa akin dahilan para mas lalo akong mainis. 

CHELL'S COUNTER OF THOUGHTSWhere stories live. Discover now