"GINUHIT KITA"

1 1 0
                                    

"Thank you so much for your wonderful idea on designing this art exhibit, Architect Cat, " pasalamat ng isa sa mga nasa silid.

"No worries ma'am, its our duty," nakangiti ko ring bati sa kanya.

Mga nasa alas 4 na ng hapon nang nandito ako sa museum kung saan chineck ko ulit ang building after ng opening nito. Ako ang nagdesign sa building na ito at proud ako dahil dun. Dati, ginuguhit ko lang ang mga yan sa papel ngayon nasa totoong buhay na.

Maya maya sa paglalakad namin sa hallway ay may natanggap siyang tawag.

"Excuse me for a minutes Architect, I'll take this call." Tumango ako saka siya tumalikod at sinagot ang tawag.

Naglakad lakad lang ako sa hallway, habang minamasdan ko ang mga obra ng mga mangguguhit dito sa Duma. Bawat lona ay may iba't ibang konsepto ng sining. May portrait, landscape, abstract, paintings, at kahit mga sketch ay nanduon rin. Mararamdaman mo talaga ang bawat emosyon at mensahe na nasa kwadro na iyon. Minsan rin ay dinadala ka nito sa mga lugar na hindi mo akalaing mararamdaman mo kahit hindi mo pa napuntahan iyon.

Tinitigan ko pa yun ng masinsinan, inaaral kung paano nila yun ginawa. Naging libangan ko rin ang pagguguhit noong nasa sekondarya pa ako kaya ginusto kong maging arkitekto.

Habang naglalakad ako at minamasid ang bawat kwadro ay may nakita akong isang daan pakaliwa. Medyo madilim sa parte na 'yon dahil siguro malayo 'to sa bintana at hindi pa nakabukas ang mga ilaw.

Hindi pa bumalik si ma'am kaya napagdedesyunan kong tahakin 'yon. Dahan dahan akong naglakad dahil konting ilaw lang ang ang nagbibigay liwanag sa daan. Maya maya di layo ay may nakita akong ilaw mula sa bintana sa kanan. May napansin akong isang obra pa. Hindi ko masyadong nakita dahil sa sinag ng araw at distansya kaya napagdedesyunan ko na tahakin 'yon.

Nang matignan ko 'yon ng malapitan, biglang nanikip ang dibdib ko. Hindi ko akalain na dahil sa obra na ito ay bigla niya akong pinabalik sa panahon na gustuhin kong limutin.

0.0

Nagmahal rin ako kagaya ng nakakarami. Ang pinagkaiba lang ay, hindi ako mahal ng taong minahal ko.

Nagsimula 'yon noong nag-aaral ako sa elementarya. Una palang naming pagkikita, nag-aaway na kami. Nakakatawa diba?

Hanggang sa palagi na kaming naglalaro sa damuhan, nag babahay bahayan pa. Marami kami, pero hindi ko maiwasang ituon ang atensyon ko sa kanya.

"RM! Nandito na si Chell, maglalaro daw kayo!"

Simula nun ay palapit ng palapit na ang loob namin sa isat-isa, hanggang sa may namumuo na akong nararamdaman para sa kanya.

Masasabi nating crush, siguro yun nga yun.

Hindi niya yun alam, balak ko ring umamin pero hindi muna sa ngayon, malaki ang magiging pagbabago kung sakaling mangyari 'yon.

Hanggang sa umabot sa punto na nasa sekondarya na kami. Sa mga panahon na 'yon, medyo nagkaroon na kami ng distansya sa isat-isa. Minsan, hindi na kami nag-uusap. Naintindihan ko naman dahil ganun talaga pag lumalaki kana. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging ganun lang ang lahat.

Pero kahit palayo ng palayo ang loob namin, hindi parin naialis sa kaloob looban ko ang pagkakagusto ko sa kanya. Sa halip, mas lalong lumalaki iyon. Lahat ng pag-uugali niya, kagawian niya, mga kagustuhan niya, tinanggap ko yun at minahal. Ganun ako'ng hulog na hulog sa kanya.

Bilang isang artista, isa sa mga paraan kung paano ko ilalahad ang aking pagmamahal sa isang tao ay ang iguhit siya.

Noong palapit na ang kanilang pagtatapos, ginuhit ko siya, base sa memorya ko. Iniimahe ko kung paano amuyin ang paborito kong bulalak ng paborito kong tao. Pininta ko yun ng buong puso at pinapahalagahan ko iyon na para bang nandito ang lahat lahat ng pagmamahal ko sa taong iyon.

Napangiti ako habang pinipinta siya. "Ibibigay ko ito sayo kapag handa na ako."

Noong natapos na ang kanyang pagtatapos sa sekondarya ay niyaya ko siya sa Bundok ng Kapayapaan. Doon ko balak ibigay 'to sa kanya, sabay narin sa pag-amin ko sa nararamdaman ko para sa kanya.

"Bakit mo ako pinapapunta dito?" takang tanong ni Ralph Mahir sa harapan ko. Alam kong nagtataka siya kung bakit. Panay lingon rin siya sa dala kong kwadro na nasa likod ko.

"May ipapakita ako sayo." Malapad ang ngiti ko at pinaharap sa kanya ang pininta ko.

"Ginuhit kita."

Nanlaki ang mga mata niya nang namasdan niya ang pintang dala ko. Wala siyang ibang sinabi kundi tinitigan lang niya 'yon.

"Ginuhit ko ito, mga ilang linggo na ang nakalipas, at balak ko talaga 'tong ibigay sa' yo," panimula ko. "Bukod dito may gusto akong sabihin-"

"Gusto mo ba ako?" direktang tanong siya sa akin. Biglang nanuyo ang lalamunan ko at napahinto sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapagsalita, biglang umurong ang inipon kong tapang para harapin siya at sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

Bago pa ako makapagsalita ay bigla niyang hinablot ang dala kong kwadro at tinapon iyon sa pangpang. Hinagis talaga niya iyon ng malakasan na para bang duon nalang niya binuhos lahat ng inis niya.

"Chellrich, hindi kita gusto." Matigas niya yung sinabi, nakatingin sa direksyon ng kwadro. Nilagpasan niya ako saka niya ako iniwan.

Bigla akong namanhid. Naninigas ako sa kinatatayuan ko at prinoproseso ko palang yung mga binitawan niyang salita.

H-hindi niya ako gusto? Ganun naba ka disgusto niya sa akin upang itapon ang pinaghirapan kong obra?

Umuwi akong luhaan, hindi ko alam kung paano ko tahanin ang sarili ko. Sumasakit ang puso ko sa aking nararamdaman. Hindi naman ako umaasang magustuhan niya ako pabalik pero hindi ko inaasahan na nagawa niya yun sa mismong harapan ko na walang bahid na pagsisisi.

Simula nun ay nagluksa ako ng ilang gabi. Inayos ko na ang sarili ko, at pilit ko siyang iniiwasan. Sa lahat ng pagkakataon na magtatagpo ang landas namin, hinding hindi ako nag-abala na lingunin niya, kahit sulyap man lang.

Hanggang sa tumungtong na ako ng kolehiyo, at naging busy na sa buhay. Pumunta ako sa ibang lugar para habulin ang pangarap ko.

Habang tumatagal, tumatanda na tayo, kusa siyang nawala sa memorya ko. Naging masaya ako sa nakamit ko sa buhay at wala na akong ibang hihilingin pa.

Pero sa mga panahon na iyon, walang araw sa buhay ko ang hindi ko siya minahal. Nanduon parin ang pagmamahal ko sa kanya, kahit kaunti nalang ito, pinapanatili ko parin iyon sa puso ko. Dahil siya lang ang matatawag kong "greatest love".

0.0

Nakatitig parin ako sa obrang iyon, na para bang naramdaman ko ulit ang pagmamahal ko sa kanya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang narinig ko ang pamilyar na boses sa likod ko, na para bang alam na alam ng puso ko kung sino iyon.

"I got this painting from the woman that I loved. After seeing it, I knew to myself that 'this must be keep forever.' I was dumb at first because the feeling was foreign. I can't handle my emotions, and it was sincere too much for a man who knows nothing about love. I just can't."

"I take it with me and can't stop watching it every now and then. I decided to put it there because this one is indeed a masterpiece. I hope that person knew how much it means to me, how much she means to me."

Hindi ko maiwasang lumingon sa likod ko dahil sa nararamdaman. Biglang nang init ang mga mata ko at kalaunan ay may luha nang tumulo mula nun. Titig na titig ako sa mga mata niya, habang pinapakinggan ko ang sinasabi niya.

"Actually this painting doesn't have a title, but since then, I titled it myself." Naglakad siya ng ilang hakbang dahilan para mas lalo siyang napalapit sa akin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang emosyon na hindi ko inaasahang makikita ko sa mga mata niya.

"Ginuhit Kita."

__________0.0__________

CHELL'S COUNTER OF THOUGHTSWhere stories live. Discover now