DI KAILANGAN

8 1 0
                                    


Para sa isang taong
Nagbibigay ng kulay sa aking mundo
Na nagpapatibok sa aking puso
Sana malaman mong ika'y gusto ko

Nagsimula ang lahat nung
Pumasok ka sa mundo kong di kaaya aya
Ngunit bawat hakbang iyong ginagawa
Malaking epekto ang idinulot sa akin

Pero habang tumatagal
Mas lalo akong namulat
Alam kong di mo pansin
Sapagkat may iba kanang iniibig

Kaya di ko na kailangan pang ipaalam
Ang pagmamahal kong di mo kayang tapatan
Dahil sa katotohanan na
Hinding hindi kita makukuha kailanman

__________0.0__________

©️Activity in Filipino (2023)

CHELL'S COUNTER OF THOUGHTSWhere stories live. Discover now