SANA PERO HINDI

4 1 0
                                    


Di ko alam kung kailan nagsimula
Siguro, yung una tayong nagkakilala
Tanging magandang usapan lang ang ginawa
Ngunit heto ako, nahuhulog na

Nananatiling nakikitungo sayo
Kahit ako ngayon ay litong lito
Ginagawa ang lahat ng makakaya ko
Mapasaya kalang sa araw na napakaespesyal sayo

At siguro simula nun
Nahulog na ng tuluyan ang puso ko
Kaya ako'y dumistansya
Dahil sa akala ko'y mayroon kanang hinahangang iba

At sa kaalamang iyon
Ayaw ko tong ipatagal kaya umamin na
Kaso sa huli tayo'y magkapareha
At yung akala ko, akala lang pala

Lahat ng kaba ay napalitan ng tuwa
At kasunod nito ay pait
Dahil alam kona kung saan to hahantong
At iyon ang hindi ko maipipilit

Alam na natin ang nararamdaman ng isat-isa
Ngunit hindi ito sapat para ika'y makasama
Sapagkat may mga bagay tayong dapat isagawa
May sarili tayong mundong ginagalawan

Ngunit hindi ito ang dahilan upang hindi kita makasama
Kahit pagiging kaibigan ay okay lang
Ingatan natin ang tanging meron tayo
Hanggang sa may bagong mahal na tayo

__________0.0__________

CHELL'S COUNTER OF THOUGHTSWhere stories live. Discover now