Kabanata 3

641 11 0
                                    


Enjoy reading!

Medyo madilim na rin noong lumabas kami ng hotel. At nagsisisi ako dahil sa dami ng puwede kong maiwan ay jacket pa. Tiniis ko ang lamig hanggang sa makapasok ako sa loob ng sasakyan. At katulad pa rin ng sitting arrangement namin ay ako ang nasa gitna ni Kuya Edward at ni Jack Jendrick.

Una naming pinuntahan ay ang sikat na park dito sa Baguio. Maganda ang paligid kahit medyo maraming tao. At ang mas lalo pang gumanda dahil sa mga ilaw. Malawak ang park ngunit marami din namang mga pagkain na puwedeng bilhin kapag nagutom sa paglalakad.

Yakap-yakap ko ang sarili habang naglalakad at tumitingin sa paligid. Tinitingnan ko rin ang mga naggagandahang mga halaman. Ngunit nagulat ako nang may lumapat na mainit na jacket mula sa likod ko kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Ikaw na ang mag suot niyan." Biglang sabi ni Jack Jendrick sa tabi ko at napalaki ang mga mata ko nang hinila niya ako palapit sa kaniya at muntik na akong matumba kung hindi niya lang nahawakan ang baywang ko.

Nakatingin siya sa akin at iginagala niya ang paningin sa buong mukha ko. Ngayon ko lang din natitigan nang malapitan ang mukha niya at hangang hanga ako sa tangos ng ilong niya. Ang makinis niyang mukha. At ang mga mata niyang nakatingin ng diretso sa akin. Bahagya ko siyang tinulak kaya bumitiw siya sa pagkakahawak sa baywang ko. Umayos naman ako ng tayo at inayos ang jacket niyang suot ko.

"Huwag kang huminto sa gitna ng daan. Hindi ka pa naman makita dahil maliit ka." Sabi niya at ngumiti ng nakakaasar kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ngunit hindi niya ako pinansin.

Pagkaraan ay sabay kaming naglakad dahil nauna ng naglakad sina mama kaya lakad-takbo na ang ginawa namin maabutan lang sila.

Pagkatapos naming pumunta sa park ay kumain kami sa malapit lang na restaurant. Gabi na rin at nagugutom na rin kami.

"Ki, kay Kuya Jack mo 'yang jacket ah." Wika ni mama nang mapansin ang medyo malaking jacket na suot ko.

"Pinahiram ko po sa kaniya. Nilalamig na po kasi siya kanina." Turan ni Jack Jendrick na katabi ni Kuya Edward.

"Wala ka bang dalang jacket, Ki?" Tanong ni papa.

Umiling ako. " Wala po. Nakalimutan ko magdala."

"Pero 'yong libro niya hindi niya nakalimutan dalhin." Singit ni Kuya Edward sa usapan kaya inirapan ko siya.

"Okay lang po sa 'kin. Kaya ko pa naman po ang lamig." Magalang na sabi ni Jack Jendrick. Tumingin ako sa kaniya ngunit nginitian lang niya ako. Hindi na rin nagsalita pa si mama at papa.

Nang dumating na ang mga in-order namin na pagkain ay agad na rin kaming kumain. Hindi rin kami nagtagal sa labas dahil masyadong maraming tao dahil bakasyon. Tahimik lang din akong kumain habang sila ay may kaniya kaniyang pinag-uusapan.

Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan na naming bumalik sa hotel. Kasabay kong maglakad si mama dahil may binigay siya sa akin na gamot na iinumin ko bukas kapag bumabiyahe na kami pauwi ng Cavite.

"Bago tayo umalis rito bukas ay inumin mo ito." Sabi niya at binigay sa akin ang isang maliit na gamot. Agad ko namang tinanggap iyon at itinago.

Pagdating namin sa room ay agad kong tinanggal ang jacket na ipinahiram sa akin kanina ni Jack Jendrick. Tumingin ako sa kaniya ngunit nag-uusap pa sila ni Kuya Edward.

Pumasok na rin sa kuwarto si mama at papa kaya naiwan kaming tatlo sa maliit na sala. Lumapit ako sa kanila kaya huminto sila sa pag-uusap at tumingin sa akin.

"Isasauli ko lang 'tong jacket." Wika ko at iniabot kay Jack Jendrick ngunit tiningnan niya lang iyon na hawak ko.

"Sa 'yo na 'yan, Ki." Turan niya.

Be My Endgame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon