Kabanata 25

491 8 2
                                    


Enjoy reading!

"Hindi ba kayo mag-aaya ulit? Okay lang sa 'kin kahit gabihin ako o umabot tayo nang madaling araw," tanong ko sa dalawa. Kumunot naman ang kanilang mga noo dahil sa sinabi kong iyon. Bihira lang ako kung mag-aya kaya ganoon na lang ang kanilang mga reaksiyon.

"Mukhang sumaya ka talaga noong nakaraang gabi, Ki." Pang-aasar ni Mojica.

"Halata nga. Tingnan mo inaaya pa tayo ulit." Sabi naman ni Jasmin. Sinamaan ko sila ng tingin. Kung alam lang nila na kailangan kong umiwas kay Jack Jendrick mamayang gabi.

"Kung makapagsabi kayo ng ganiyan. Kayo nga sinundo rin noong gabi na 'yon." Wika ko at agad na nawala ang ngiti ni Jasmin. Habang si Mojica ay patuloy pa rin sa pagngiti ngunit nakatingin na kay Jasmin.

"Kumusta ang pagkikita niyo ni Lennox, Jas?" Pang-aasar ni Mojica na ikinalaki naman ng mata ni Jasmin. Kahit ako ay nagulat sa tanong ni Mojica.

"Teka, paano mo nalaman?" Gulat na tanong ni Jasmin na ikinatawa ni Mojica.

"Si Pierre ang tumawag kay Lennox noong nakaraang gabi para sunduin ka. Kinuwento lang din sa akin iyon ni Pierre." Nakangiting sabi ni Mojica. Tiningnan naman ako ni Jasmin kaya mas lalo akong ngumiti upang asarin siya.

"Huwag kang ngumiti nang ganiyan sa akin, Kiera. Walang nangyari sa amin noong gabi na 'yon. Hinatid lang niya ako at doon lang 'yon." Sabi niya na ikinatawa namin ni Mojica.

"E bakit napaka defensive mo? Wala naman kaming sinasabi." Natatawa kong sabi.

"Iyang mga ngiti niyo kasi halatang inaasar ako. Pakialam ko sa lalaking 'yon." Inis niyang sabi.

Ilang oras din silang dalawa sa bahay at huminto lang kami sa pag-uusap nang dumating na sina Mama at Papa.

"Magandang hapon po, Tita, Tito." Sabay na pagbati ni Mojica at Jasmin. Ngumiti lang si Papa sa kanila at dumiretso na sa kusina. Habang si Mama naman ay huminto sa harapan namin at tumingin sa akin.

"Anak, kanina pa raw si Jack sa labas ng bahay at hinihintay ka. May usapan daw kayo na pupunta sa Batangas dahil birthday niya ngayon." Napatayo ako dahil sa sinabi ni Mama. Mabilis akong naglakad patungo sa bintana at hinawi ang kurtina upang silipin si Jack Jendrick sa labas ng gate. At tama nga ang sinabi ni Mama. Nakatayo siya katabi ng kaniyang kotse.

"Tita, uuwi na rin po kami ni Jasmin." Agad kong isinara ang kurtina at tumingin kay Mojica at Jasmin na ngayon ay nakatayo na rin at inaayos ang kanilang mga sarili.

"Hindi ba muna kayo mag meryenda? May dala pa naman kaming pizza at soft drinks." Sabi ni Mama.

"Oo, Ma, kakain pa kami." Mabilis kong sabi kaya agad naman na tumingin sa akin ang dalawa.

"Huwag na po, Tita. Okay na kami, Ki. May pupuntahan pa kasi kami. Sige po, Tita, alis na po kami. Bye po." Halatang nagmamadali sila at mabilis na naglakad kaya hinarang ko sila sa may pintuan.

"Ki, uuwi na kami." Pabulong na sabi ni Mojica.

"Bye, Ki." Paalam ni Jasmin.

Sila na mismo ang nagbukas ng pinto kaya sumunod ako sa kanila sa paglabas ng bahay. Hinatid ko sila hanggang sa labas ng gate kaya agad kaming nakita ni Jack Jendrick. Umayos siya ng tayo nang makita kami.

"Hello po. Happy Birthday." Magalang nilang bati kay Jack Jendrick.

"Thank you." Sagot ni Jack Jendrick at ngumiti. Pagkaraan ay tumingin sa akin.

"Bye, Ki." Paalam ng dalawa at sumakay na sa nakaparadang sasakyan sa gilid. Bumusina pa sila bago tuluyang umalis.

"May pupuntahan ka pa ba?" Napatingin ako kay Jack Jendrick nang magsalita. Wala na rin akong maidadahilan pa dahil nahuli niya na ako.

Be My Endgame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon