Kabanata 18

411 11 2
                                    


Enjoy reading!

Umaga pa lang ay excited na ako. Kanina pa ako nakaharap sa kabinet habang naghahanap ng puwedeng suotin mamayang gabi. Nakahanda na rin ang regalo ko. Damit na lang ang hindi.

Halos suotin ko na lahat ng mga damit pang alis ko rito sa kabinet. Magulo na rin ang damitan ko dahil sa kahahanap ng puwede kong suotin.

Gusto kong maganda ang suot ko mamayang gabi. Iyong komportable ako at maganda tingnan.

Ilang oras din akong naghanap at nang may napili na ako ay agad ko ring inayos ang ginulo kong kabinet.

Habang papalapit ang hapon ay mas lalo akong na-e-excite. Wala akong ginawa buong maghapon kung hindi hintayin na gumabi.

Pagpatak nang alas-kwatro ay agad na akong naligo at pagkatapos ay nag-ayos ng sarili. Medyo nagtagal ako sa harap ng salamin at mabuti na lang ay maaga akong nag-ayos dahil kung hindi ay sigaw na naman mula kay Kuya Edward ang maririnig ko.

Nang matapos na akong mag-ayos ay agad kong kinuha ang regalo ko sa ibabaw ng kama at lumabas ng kuwarto at bumaba sa sala. Nadatnan ko si Mama sa sala habang nanunuod ng tv. Napatingin siya sa akin nang bumaba ako ng hagdan.

"Nako, dalaga na talaga ang bunso ko. Mag-enjoy kayo roon." Nakangiting sabi ni Mama. Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya.

Ilang sandali lang ay bumaba na rin si Kuya Edward na nakabihis na rin.

"Nako, isa pa 'tong panganay ko ang guwapo." Sabi ni Mama na ikinangiti ni Kuya Edward.

"Syempre, nagmana kay Papa." Sagot ni Kuya Edward at inaasar si Mama.

"Ikaw talaga. Sige na, umalis na kayo at baka ma-late pa kayo. Pakisabi kay Jack happy birthday." Sabi ni Mama at hinatid kami sa may pintuan.

"Sige, ma." Sagot ni Kuya bago sumakay ng kotse kaya agad na rin akong sumakay sa front seat.

"Huwag kang magulo roon. Maupo ka lang." Paalala niya habang bumabiyahe kami.

"Hindi naman ako gagawa ng ikapapahiya natin. Mabait kaya ako." Sagot ko.

Ilang minuto lang ay nakarating din kami sa bahay ni Jack Jendrick. Maraming kotse ang nakaparada sa labas ng gate nila at isa na roon ang kotse na sinasakyan namin ni Kuya Edward.

Sabay kaming bumaba sa kotse ni Kuya Edward at mula rito sa labas ng gate at rinig na ang ingay ng mga tao sa loob. Tawanan, sigawan at iyong iba ay kumakanta pa.

Naunang naglakad si Kuya Edward habang nakasunod ako sa kaniya. Inayos ko pa ang nagusot kong damit.

"Ed!" Sigaw ng isang lalaki at lahat ng mga kasama niya ay napatingin sa amin na ikinahiya ko. Medyo marami ang bisita ni Jack Jendrick at halos lahat ay lalaki.

"Edward." Napatingin ako kay Jack Jendrick nang tawagin niya si Kuya. Hindi ko alam pero ang guwapo niya sa suot niyang puting long sleeve at light brown pants.

"Happy birthday, pare." Bati sa kaniya ni Kuya Edward at binigay ang regalo niya.

"Thanks, Ed." Nakangiti niyang sabi at tinanggap ang regalo ni Kuya. Bigla akong nahiya sa mga bisita niyang halos lahat ay maiingay.

"Hi, Ki." Napatingin ako sa kaniya nang tawagin niya ako. Tumingin din si Kuya Edward sa akin.

"H-hello. Happy birthday." Bati ko at inabot sa kaniya ang regalo ko. Maliit na paper bag lang iyon kumpara sa mga regalo niyang bigay ng mga kaibigan niya.

"Thank you, Ki. Tara doon. Sasabayan ko kayong kumain." Wika niya at sumabay sa akin sa paglalakad habang nauuna naman si Kuya Edward.

"Edward." Napatingin kami kay Caila nang tawagin niya si Kuya. Lumapit si Caila sa amin at yumakap sa Kuya ko.

Be My Endgame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon