Enjoy reading!
Hindi ako sanay uminom ng alak kaya madali rin akong malasing. Nang maubos ang isang bote ng iniinom naming wine ay muling nagpadala si Mojica ng panibago.
Nakahiga na sa mahabang sofa si Jasmin at mukhang tulog na sa sobrang kalasingan. Samantalang si Mojica ay abala sa kaniyang selpon.
Kinuha ko naman ang selpon ko sa bulsa ng suot kong pantalon at tiningnan ang oras. Hating gabi na at kailangan ko na rin umuwi dahil siguradong lagot ako kay Papa kapag inumaga na ako rito.
Sinubukan kong tumayo ngunit bigla akong nahilo kaya bumalik muli ako sa upuan. Ngayon ko pinagsisisihan na naparami ako ng inom. Paano ako ngayon makakauwi nito?
Napahilamos ako sa mukha at tatayo na muli nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok doon si Pierre at hindi siya nag-iisa. Kumunot ang noo ko sa kasama niya at hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o kung totoong nakikita ko ang mukha ni Jack Jendrick. Nasobrahan lang siguro ako sa alak kaya nakikita ko na ang mukha niya kahit wala naman siya rito.
"Pierre..." tawag ni Mojica sa boyfriend niya at inilagay ang dalawang braso sa leeg ni Pierre na para bang nagpapabuhat.
"Kiera." Napatingin ako sa lalaking kasama ni Pierre na lumapit sa akin. Totoo ba talagang si Jack Jendrick 'to? Hindi ba ako nananaginip?
Akmang hahawakan niya ang braso ko nang iniwas ko 'yon.
"K-kaya kong maglakad." Mayabang kong sabi at pilit na tumayo ngunit muntik na akong matumba kung hindi lang ako hinawakan ni Jack Jendrick sa baywang.
"Let's go." Kalmado niyang sabi at inalalayan ako sa paglalakad. Paano niya nalaman na narito ako?
"Teka, si Jasmin." Turan ko at huminto sa paglalakad. Nilingon ko si Jasmin na tulog na tulog sa sofa.
"May tinawagan na kami para sunduin siya." Biglang sabi ni Pierre habang nakaalalay rin kay Mojica.
Nauna silang lumabas ng kuwarto at sumunod kami ni Jack Jendrick. Kaonti na lang ang tao sa loob ng bar. Iyong iba ay mga lasing na rin at patuloy sa pagsayaw sa gitna.
Nang tuluyan kaming makalabas ng bar ay agad na ring nagpaalam si Mojica at Pierre. Magkatabi lang din ang mga kotse nila ni Jack Jendrick.
Nakaalalay pa rin si Jack Jendrick sa akin habang binubuksan niya ang front seat ng kaniyang kotse. Hanggang sa paglagay ng seat belt ko ay siya na rin ang gumawa. Pagkaraan ay umikot siya at sumakay na rin sa driver's seat. Narinig ko pa ang busina ng sasakyan ni Pierre hudyat na mauuna silang aalis kaysa amin.
"Pasensiya na sa abala. Ihatid mo na lang ako sa labas ng gate ng bahay namin. Kaya ko pa naman maglakad papasok sa loob ng bahay." Inaantok kong sabi habang bumabiyahe kami.
"Hindi kita puwedeng ihatid sa bahay niyo." Kalmado pa rin niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko at tumingin sa kaniya.
"Why?" Tanong ko.
"You're drunk, Kiera. Maggigising lang sila kapag inuwi kita roon." Turan niya.
"E 'di doon na lang sa bahay ni Kuya Edward." Wika ko.
"Mas lalong bawal doon. Maggigising lang din sila lalo na si Baste kapag doon kita ihatid." Sagot niya kaya napapikit na lang ako.
"Ibalik mo na lang ako sa bar. Doon na lang ako matutulog sa kuwarto kung saan kami nag inuman." Sabi ko at naramdaman ko ang pagliko ng kotse kaya napamulat ako.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Subdivision ito kung saan nakatira si Kuya Edward. Doon ba niya ako dadalhin?
"You will sleep at my house." Simpleng sagot niya. Ilang sandali lang ay huminto ang kotse niya sa isang kulay brown na gate. Ibinaba niya ang bintana sa gilid niya at may pinindot sa isang itim na bagay na hawak-hawak niya.
BINABASA MO ANG
Be My Endgame
Teen FictionWala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakatatanda niyang kapatid na lalaki ay abala rin siya sa kaniyang pag-aaral. Ngunit biglang gumulo ang tahimik niyang buhay nang makilala niya a...